Sen. Bong ayaw munang mag-react

PIK: Hindi na muna magsasalita sina Sen. Bong Revilla, Jr. at ang buong pamilya kaugnay sa mga development sa kasong pagpatay kay Ram Revilla.

Naging kumplikado na ang mga pangyayari pagkatapos masangkot ang nakakabatang kapatid ni Ram.     

As of presstime ay isinalang na sa inquest ang kapatid ni Ram na si Joseph kaya mas mabuting tahimik na rin muna ang buong pamilya.

Ang pagkakaalam namin, maglalabas sila ng press statement dahil under investigation pa rin ang naturang kaso.

Ngayong hapon ililibing si Ram sa Angelus Eternal Gardens sa Imus, Cavite.

Pasabog ni ruffa hinihintay na

PAK: Mamayang gabi ang alis ni Ruffa Gutierrez patungong Dubai para sa audition ng Talentadong Pinoy doon ng TV5.

Charice nasa ‘Pinas na

Pagkatapos magpa-interview nina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao, wala pang nakuhang reaksiyon mula kay Ruffa kaugnay sa mga pahayag ng dalawa.

Dapat na ipagtanggol din ni Ruffa ang kanyang sarili kaya malamang na aabangan ito ng media sa airport para makunan ng pahayag kaugnay sa pagkadamay niya sa isyu ng magkasintahan.

May pasabog kayang ilalabas si Ruffa?

BOOM: Kagabi naman dumating si Charice Pempengco galing Indonesia.

Dinamdam nang husto ng inter­national singer ang pagkamatay ng kanyang ama at kailangan niya itong puntahan.

Nagkaroon ng kontrobersiya ang relasyon ni Charice sa kanyang ama pagkatapos maki­paghiwalay ang kanyang ina.

Hindi naging maganda ang relas­yon nito sa pamilya ng kanyang ama, pero ngayon ay gusto nitong patunayan na mali ang lahat na ibinibintang sa kanya at sa kanyang ina. Gusto niya itong linawin lahat sa pagdating niya sa burol ng kanyang ama.

Naging palaban na si Charice sa kanyang itini-tweet na gustong iparating sa pamilya ng kanyang ama.

Show comments