MANILA, Philippines - Nagdesisyon na ang mga hurado at kinilala na kamakailan ang top 12 finalists ng pinakapinag-uusapang US singing competition ngayon na The X Factor na maglalaban-laban para sa boto ng Amerika simula sa Huwebes (Nov. 3) sa unang live performance night na mapapanood 7:00 PM via satellite sa Studio 23.
Pasok ang Pinay singer na si Ellona Santiago matapos piliin ni Paula Abdul ang grupo niyang InTENsity bilang isa sa top 12. Agaw eksena nga ang 15-year old na dalagita matapos itong bumirit bilang female lead vocalist ng grupo sa gabing iyon. Personal pa siyang pinuri ni Simon Cowell at sinabing “you in the red jacket have got an amazing voice.” Agad naman siyang ipinakilala ni Paula na nagsabing “the girl in the red is Ellona.”
Pasok din sa top 12 sina Melanie Amaro, Rachel Crow, at Drew para sa mga babae; Astro, Marcus Canty at Chris Rene para sa mga lalaki; LeRoy Bell, Stacy Francis at Josh Krajcik para sa mga mahigit 30 anyos; at InTENsity, Lakoda Rayne at The Stereo Hogzz para naman sa mga grupo.
Huwag palalampasin ang unang performance night ng The X Factor sa Huwebes (Nov 3), 7:00 PM, via satellite sa Studio 23 na may replay sa parehong araw sa ganap na 10:30 P.M. Mapapanood naman ang unang results night sa Biyernes (Nov. 4) sa pareho ring mga oras.
Iglot painit na lalo ang kuwento
Makokonsensiya si Aldo (Patrick Garcia) at sasabihin na niya ang totoo kay Mariella (Claudine Barretto) na si Ningning (Milkcah Wynne Nacion) ang ipinatapon sa kaniyang bata noon sa kakahuyan. Ngunit nung sasabihin na niya, may bumaril sa kanya.
Kikidnapin ni Juancho (Luis Alandy) si Mariella at pagtatangkaan pa nitong patayin si Ning
Makakatakas si Mariella kay Juancho ngunit mababaril siya ni Vener (guest star: Paolo Paraiso).
Samantala, gagaling na si Ning mula sa pagkakahulog sa hagdanan sa tulong ni Iglot. Ibibilin siya ni Mariella kay Ramona (Jolina Magdangal).
Mas lalalim ang relasyon nina Ramona at Anton (Marvin Agustin).
Mahuhuli ni Dr. Petrovsky (Jaime Fabregas) si Iglot. Handa na nitong ibunyag sa madla ang katotohanan tungkol sa Alamat ng Unggiko upang patunayan na hindi siya baliw.
Hanggang sa susunod na linggo na lang ang Iglot kaya unti-unti nang lumalabas ang katotohanan sa kuwento.
P.U.S.H handog ng 700 Club Asia
Samahan ang host na si Peter Kairuz kabilang na sina Kata Inocencio, Felichi Pangilinan-Buizon, Mari Kaimo, Camilla Kim-Galvez, at Alex Tinsay sa isang linggong panalangin para sa Pilipinas.
Tinatawag ng The 700 Club Asia ang bagong misyon na P.U.S.H o Pray Until Something Happens, Pilipinas! Abangan ito sa GMA News TV at makiisa sa Nov. 7-11.