Nagiging sobrang busy lately si Mama Annabelle Rama. Bukod sa personal na away nila ni Nadia Montenegro, na hindi matapus-tapos sa pagsasampa ng kaso laban sa kanya, napapasali pa siya sa isyu sa kanyang anak na si Ruffa at sa girlfriend ng ex nitong si John Lloyd Cruz na si Shaina Magdayao.
Dahil isang nanay at kahit kaya na ni Ruffa na itawid ang sarili niyang giyera, sumusuporta pa rin siya rito. Paano, nanay kasi.
Ayusin mo na lang Mama Annabelle ang sarili mong kaso. Let Ruffa take care of herself, kaya na niya ito.
Claudine naninisi?
Malabo pa rin ang basa ko sa pagsasabi nina Raymart Santiago at Claudine Barretto. Patunayan muna nila ito sa gawa at hindi lamang sa salita para paniwalaan sila ng tao na hindi nga sila hiwalay at nagmamahalan pa.
Hindi naman nakikita ang tatag ng isang samahan sa pagsasama sa mga larawan ng nakangiti.
Puwede namang hindi na malaman ng tao ang problemang pinagdaraanan nila pero nakunan kasi si Claudine na nasa bangko at nagagalit.
Obviously, may nagpi-feed sa press nang papunta na siya sa bangko. Tapos hihingi sila ng pang-unawa sa press at hihilingin na pabayaan sila sa kanilang problema.
Meron nga bang nakikialam? Baka naman sila ang nagbibigay ng motibo para sila mapakialaman?