Problema nina Claudine at Raymart tapos na!
May mga nagdududa man sa inilabas na joint statement nina Raymart Santiago at Claudine Barretto, pero sabi ng mga taong malapit sa dalawa, okey ang mag-asawa. Ang maganda, sila mismo ang lumutas ng kanilang problema at walang nakialam.
Last Saturday, Oct. 29, winelcome nina Raymart, Claudine at mga anak na sina Sabina at Santino ang mga batang nag-trick or treat sa Loyola Grand Villas, kung saan sila nakatira. Kinareer daw ng mag-asawa ang costume ng mga anak at ipinagawa pa kay Bing Cristobal ang crocodile costume ni Santino at ang Princess Amidala costume ni Sabina.
Samantala, hindi pa pala natapos ni Claudine ang taping niya ng Iglot, may taping pa siya this week at baka hanggang next week. Dahil sa taping ng soap, hindi natanggap ni Claudine ang guesting sa Spooky Night Presents. Ibig sabihin, hindi totoong titigil magtrabaho ang aktres ‘pag nagtapos ang kanyang soap.
susan roces excited
na sa walang hanggan
Ibinalita ni Ms. Susan Roces na mid-November ang start ng taping nila ng Walang Hanggan ng ABS-CBN. Tuwang-tuwa ang aktres na may trabaho siya dahil hindi siya malulungkot sa Pasko dahil naaalala ang mister na si Fernando Poe Jr. Kasunod noon, kinanta ang first line ng Miss Kita ‘Pag Christmas.
Mala-Wuthering Heights at Romeo and Juliet daw ang story ng Walang Hanggan at pahapyaw na ikinuwento ang story.
Magkapatid sila ni Helen Gamboa, magpaparaya siya at mauulit sa ibang cast ang nangyari sa kanila ng kapatid.
Excited na si Ms. Susan na simulan ang taping ng soap ng ABS-CBN.
Female TV host nanganganib matsugi
Nanganganib mawala sa hino-host niyang show ang isang female host dahil sa maraming reklamo sa kanya gaya ng tila hindi sineseryoso ang trabaho at ang kawalan ng improvement sa ginagawa gayung ilang years na siyang host.
Minsan, late siyang nagre-report sa show, hindi tuloy alam kung ano ang gagawin dahil walang oras to brief her. ‘Yun, sabug-sabog ang kanyang pagho-host.
Nakarating na sa staff ang reklamo ng viewers at hindi kami magugulat kung one of these days, alisin ang female host at tiyak na mag-i-emote ito.
enzo hindi na nakikipag-beso sa hangin
Isa si Enzo Pineda sa manonood ng laban ni Manny Pacquiao sa Las Vegas at sa November 9 na ang alis niya. Manonood din si Direk Mark Reyes at ibang taga-Time of My Life, kaya wala yata siyang mami-miss na taping.
Hindi man siya lead sa danserye, masaya si Enzo dahil kilala siya ng viewers as Donnie at hindi siya nawawala sa eksena. Wala lang siyang ka-love team dahil inalis si Sarah Lahbati.
Looking forward si Enzo sa mga susunod niyang projects, gaya ng pelikulang Kontrabida Girl nina Rhian Ramos at Aljur Abrenica at ang Just One Summer nina Elmo Magalona at Julie Ann San Jose.
May gagawin din siyang TVC ng isang fastfood at sa November 4 na ang shoot niya.
Napansin pala namin na hindi na sa hangin bumebeso sa press si Enzo, dumidikit na uli sa cheek ng reporter ang beso niya unlike before na talagang sa hangin lumalanding.
Ang feeling tuloy nang binebeso niya ay hindi ito sincere, pero binago na ni Enzo ang beso style niya at tiyak matutuwa rin nito ang GMA Artist Center na natataranta ‘pag may nega issue ang talents nila.
- Latest