Three months to go na lang pala ang kontrata ni Carla Abellana sa GMA 7 at mag-i-expire na at medyo worried ito dahil wala pang ino-offer na bagong kontrata ang network. Hindi niya alam kung ire-renew pa ang kontrata niya at ’pag nagkataon, ang Kung Aagawin Mo ang Langit ang magiging last show niya sa istasyon.
“Ayoko namang lumipat sa ibang network, sa GMA na ako nag-start at loyal ako sa network. Aawayin ko si Arnold (Vegafria, her manager) ’pag inilipat niya ako ng ibang network. Naniniwala naman ako na ibibigay ng GMA 7 ang kayang ibigay ng ibang network. Ayaw ko talagang umalis dito,” sabi ni Carla.
Inamin ni Carla na isa sa mga rason kung bakit ayaw niyang umalis sa Kapuso Network ay dahil ayaw niyang iwan ang dyowang si Geoff Eigenmann. Saka, may trabaho naman siya sa Channel 7 at magaganda ang projects na ibinibigay sa kanya gaya ng Kung Aagawin Mo…, na kakaiba ang tema.
Nagulat ang press sa sinabi ni Carla na between her and Michelle Madrigal character, mas kampi siya sa karakter ni Michelle dahil sa story, ito ang nag-alaga sa anak nila ni Mike Tan for seven years habang comatose siya.
Mark nasigawan na si Ipe
Nagrereklamo ang mga fans ni Mark Herras dahil isa siya sa mga best dancers sa Time of My Life pero hindi pa siya napapanood sa isang full dance number. Pero sabi ng aktor, malapit na siyang sumayaw kaya abangan ninyo.
Mahal talaga ni Mark ang StarStruck dahil very proud ito na galing sa reality show ang majority sa cast ng danserye. Nakikita niya ang dedication ng lahat at walang nagrereklamo sa pamatay na rehearsal hanggang actual take. Bilib siya kay Kris Bernal na nagda-drama at sumasayaw sa danserye nila.
Pinaabangan din ni Mark ang Hitman na naurong sa January ang showing at sa ganda ng kanyang role, wala siyang keber kahit second choice lang siya.
“Very proud ako sa ginawa ko rito, may three-page monologue ako at may scene ako na sinisigawan ko si Kuya Ipe (Phillip Salvador). Ang sarap nilang katrabaho ni Direk Cesar (Montano) at Kuya Ricky (Davao). Hindi ako naghahangad ng award, masaya na ako ’pag napansin ang ginawa ko rito,” sabi ni Mark.
Ricky mapapa-audition sa Bourne Identity
Hindi na kinailangang mamili ni Ricky Davao kung mananatiling aarte sa Kung Aagawin Mo ang Langit o magdidirek na lang ng Kokak dahil inayos na ang schedule niya. Tuwing Monday, Wednesday, at Friday ang taping niya sa Kung Aagawin… at Tuesday at Thursday naman ang taping niya sa Kokak. Mahirap ang schedule niya at malaking bagay na parehong sa GMA 7 ang dalawa niyang shows.
Dahil sa hectic schedule, ayaw na muna sanang gumawa ng movie ni Ricky pero nang malamang may audition para sa Bourne Identity na magsu-shooting dito next year, parang mababago ang kanyang desisyon.