Puring-puri ni Vhong Navarro si Robin Padilla.
Nagsimula ang pagiging magkaibigan sa programang Puwedeng-Puwede, tampok din ang yumaong si Redford White.
“Tatlong taon matapos akong makulong sa Bilibid Prison ay may ginawa akong pelikula kasama si Redford White. Ipinakilala sa akin si Vhong at nagpa-tumbling-tumbling siya kaya naaliw ako. Magmula noon naging magkaibigan kami at ako ang nag-suggest para makasama ko siya sa Toda Max,” sabi ni Robin.
Sa kabilang banda, sinabi ni Vhong na mapagmahal si Binoe bilang kaibigan, magaling na adviser, at higit sa lahat malalapitan kapag may problema siya sa puso.
Nang gawin ang Mr. Suave under Bb. Joyce Bernal ay si Vhong din ang nai-suggest ni Binoe dahil naniniwala siya sa galing nitong umarte.
Movie ni Vice, blockbuster
Last full show na nang madaan kami sa sinehan ng SM North EDSA at ang haba ng pila. ’Yun pala ay manonood sila ng Praybeyt Benjamin na pinangungunahan ni Vice Ganda. Kinumpirma rin ng isang sales manager na talagang grabe ang kinita nito sa takilya sa opening day pa lang. Umaga pa lang ay pila na ang mga manonood.
Made na talaga si Vice! Congrats! Gayundin sa Star Cinema at Viva Films.