Annabelle Rama atat nang sagutin ang demanda ni Nadia
Nakita namin si Richard Gutierrez sa birthday party ng inang si Annabelle Rama last Thursday evening. Kagagaling nito sa Survivor Philippines: Double Celebrity Edition, naligo at nagbihis lang, at dumiretso na sa party ng ina.
Sabi nito sa Survivor Philippines na magpa-pilot sa Nov. 14: “We’re going to have a very exciting season. Ang daming mangyayaring kakaiba and sure na mag-i-enjoy ang audience. Iba ang drama this season dahil by pairs, ang daming drama at twist, also, better ang location, mas pristine ang water, mas maganda ang beach. Visually, maganda siya at hindi ako na-bore.”
Samantala, first time makikita ni Richard si Annabelle at kanyang pamilya sa birthday ng ina. Birthday wish nito ay good health, healthy diet at stress-free life dahil sa bagong controversy na kinasasangkutan.
Sa L’ Incontro Restaurant sa Reposo, Makati City ginawa ang birthday party ni Annabelle na dinaluhan ng kanyang pamilya at mga kaibigan. Dumating si Ruffa Gutierrez na nauna nang nagsabing hindi pupunta sa party ng ina dahil may away sila that day dahil sa pagtu-tweet ni Annabelle. Hindi naman daw niya kailangan ang anak pero dumating ito, kaya bati na ang mag-ina.
Ibinalita ni Annabelle na natanggap na niya ang subpoena sa demanda ni Nadia Montenegro at gusto na niyang sumagot. “Baka siya mawindang sa mga sagot ko. Hindi ko ginagawa ang mga ibinibintang niya,” sabi nito.
Bumati pala kay Annabelle bukod sa kanyang pamilya sina Susan Roces, Sen. Jinggoy Estrada, Tirso Cruz III and wife Lyn Cruz, JC de Vera, Miriam Quiambao, Maxene Magalona, Ehra Madrigal, Georgina Wilson, Isabelle Daza, Bubbles at Paolo Paraiso, Ramon Christopher, at marami pang iba.
Alden hindi nagpatalo
May mga tanong kami kay Direk Yam Laranas tungkol sa karakter nina Renz Valerio at Alden Richards kung paano sila nag-survive kahit mag-isang nanirahan sa kanilang bahay. Binanggit ni Direk Yam ang ilang signs na ipinakita sa movie na hindi namin isinulat para hindi kayo ma-preempt.
Magaling si Renz bilang batang Luis na nasanay sa krimen sa kanyang paligid at ’kaloka ang eksenang parang normal na sa kanya na may katabing patay.
Hindi rin nagpatalo si Alden sa husay. Nag-react talaga kami sa eksenang parang wala lang na pumapatay siya. Although minsan, nakaka-distract ang pagiging pretty boy nito na kailangan naman sa karakter at role niya.
Para maintindihan ang mga sinasabi namin, panoorin ang The Road sa Nov. 30.
- Latest