Bubbles Paraiso bumubula, nakikisawsaw!

SEEN: Mali ang dialogue ni Robin Padilla na kahit kulungan, hindi niya inurungan o inatrasan dahil may kasalanan siya na ginawa noon kaya tinugis siya ng batas at nakulong. No one is above the law.

SCENE: Ang Twitter hater ni Bubbles Paraiso na pinagbibintangan siya ng pakikisawsaw sa isyu nina Ruffa Gutierrez at Shaina Magdayao dahil sa kanyang tweet na patungkol sa girlfriend ni John Lloyd Cruz: ‘WTF? U were happily minding ur own business and having fun w us when u received those texts--- no way u started it!’

SEEN: May mga nagtaas ng kilay sa press release na P23.6 million ang first day gross ng Praybeyt Benjamin.

SCENE: Boses babae si Mario Maurer dahil manipis at malumanay ang kanyang speaking voice. Ang Thai actor-model ang kapareha ni Erich Gonzales sa bagong project ng Star Cinema.

SEEN: Parehong dumaraan sa pagsubok ang mga relasyon sa kanilang asawa ng magkaibigang Claudine Barretto at Jinkee Pacquiao.

SCENE: Hindi kapani-paniwala ang dumi ng comfort room na ginamit sa TV ad nina Vice Ganda, Gretchen Barretto, at Tessa Prieto-Valdez.

SEEN: Malinis na ang toilet sa canteen ng GMA 7. Hindi na kulay dilaw ang urinal at toilet bowl.

SCENE: Ang glowing face ni Liezl Martinez. Wala sa hitsura ni Liezl na bumalik ang kanyang breast cancer.

SEEN: Pinagtatawanan si Enchong Dee dahil sa press release na gusto niyang ligawan si Julia Montes.

Show comments