Claudine back to work!

Maraming naghihintay sa sasabihin ni Claudine Barretto tungkol sa kanila ni Raymart Santiago. Nagsanga-sanga na kasi ang kuwento at may mga nadadawit na ibang tao sa side ni Claudine. Kesyo kasama ngayon ni Claudine si ganito.

Pero as of yesterday, back to work ang actress sa Iglot, ang serye niya sa GMA 7 na two weeks na lang sa ere.

Rocco at Paulo hindi  natakot sa kabaklaan

Hindi natakot sina Rocco Nacino at Paulo Avelino na maging bakla sa unang sabak nila sa pelikula.

Produkto ng artista search ng GMA 7 na Starstruck ang dalawa at kung tutuusin, may kanya-kanya na silang career nang alukin nina Alvin Yapan (writer-director) at producer na Alemberg Ang na magbida sa Cinemalaya film na Ang Sa­yaw ng Dalawang Kaliwang Paa na ngayon ay palabas na sa ilang sinehan.

Ang papel na inalok kay Rocco ay ang karakter ni Dennis, ang dance tutor na mai-in love kay Marlon na gagampa­nan ni Paulo, na in love naman sa kanilang literature teacher na si Karen (Jean Garcia).

Hindi naman sila talaga nagkamali ng decision. Hindi lang sa Ci­nemalaya pinupuri ang kanilang pelikula, maging ang mga nakapanood na nito ay nagustuhan ang pelikula.

Actually, inaamin ni Rocco na sa umpisa ay nagkaroon siya ng second thought na tanggapin ang offer. Sa script, marami kasing eksena na sweet na sweet ang mga karakter nila. Lalo na pag nagsasayaw na sila.

“Pero na-inspire ako sa kanilang mga sinabi at sa kanilang vision na gumawa ng pelikula na tungkol sa sayaw at mga tula. Honored ako dahil pinili nila ako,” sabi ni Rocco.

Ang mas mahirap, sabi ni Rocco na kumbisihin ay ang kanyang pamilya. “Medyo tutol sila sa simula,” dagdag niya. “Pero noong kinausap ko sila, naintindihan naman nila agad at sinuportahan ako.”

Sa katunayan, ilang beses nang napanood ng kanyang family ang pelikula.

“Ngayon, lagi nilang pinag-uusapan at panay ang promote nila. Hahaha!” dagdag ng young actor.

Si Paulo naman, nakita agad ang potential ng project pagkatapos niya basahin ang script.

Pati ang mga tulang nai-feature sa pelikula ay nakaapekto kay Paulo. “Tagos sa kaluluwa ang kahulugan ng mga tula,” sabi ng aktor na nang gawin ang pelikula pero after na mapanood ito ng mga executives ng Kapamilya Network ay inoperan siya ng contract at ngayon ay maganda ang takbo ng career niya sa ABS-CBN.

Ang matuto ng sayaw mula sa international choreographer na si Eli Jacinto at makaarte ng mas natural ni Direk Alvin ay naging maganda ang epekto sa dalawang young aktor.

Kasama rin sa pelikula si Jean na pinupuri rin.

Ang pelikula ay nominado para sa Halekulani Golden Orchid Award for Best Feature Film sa Hawaii International Film Festival, at nanalo ng Bronze Prize sa Bogota International Film Festival sa Colombia.

Graded A ito ng Cinema Evaluation Board, at Rated PG 13 ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Kasalukuyang palabas ang Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa sa mga piling SM Cinemas, Trinoma, at iba pa.

Attention Dragon Air!

First time kong nag-travel na may nawala sa maleta ko.

Last Tuesday night, go kami sa Hong Kong kasama ang ilang kaibigan via Dra­gon Air na first time rin naming nasakyan.

Maganda naman ang service at hindi mo aakalaing budget airline. Pero ang nakakadismaya pagdating namin ng hotel — Marco Polo Gateway — wala na ang lock ng luggage ko. Bukas na rin ang toiletry bag, at pocket sa loob ng maleta na may nakalagay na pouch for my spare watch at accessories. Feeling ko, na-random check muna kaya OK pa rin.

Pero nang i-check ko, wala na ang isang Victorinox watch (na gift pa naman ng isang kaibigan) at isang necklace.

So, ibig sabihin, hindi siya na-random check dahil may nawala. May nakialam.

Hindi naman ako nag-file ng formal complaint para lang hindi na ma-stress. Ganun pa man, sana magkaroon ng investigation ang Dragon Air para hindi lang ako ang mawalan sa mga magiging pasahero nila.

Show comments