^

PSN Showbiz

Erich Gonzales ipa-partner sa Thai superstar

- Veronica R. Samio -

Opisyal na may gagawing pelikula si Erich Gonzales katambal ang Thai superstar na si Mario Maurer, ayon sa isang bossing ng Star Cinema. Slated for 2012 release ang pelikula na may pamagat na Suddenly It’s Magic. Sa Bangkok at Manila nakatakdang mag-shoot ang pelikula.

I’m sure this will make Erich feel ecstatic. Biruin n’yo sa kasagsagan ng tagumpay ng kanyang Maria la del Barrio ay inintriga ito ng marami na tinatalo ng kanyang mga kasabayang programa. Sa halip na matakot sa nagiging takbo ng revival ng kanilang seryeng Latina, mas pinagbubuti pa nila ni Enchong Dee ang kanilang trabaho at hindi nagpapaapekto sa mga negatibong balita na pinalilitaw tungkol dito.

Mga bagets naaliw sa pakontes ng Pussin Boots

Naligaw kami ng apo ko sa paghahanap ng sinehang unang magpapalabas ng Puss in Boots na ipinang-imbita ng Solar Films. Sa The Block ng SM North EDSA kami napunta at nakisama sa napakahabang pila na unang nakita namin. Nakapila na kami ng matagal at umusad na ito hanggang sa entrance ng isang sinehan nang malaman ko na hindi pala ’yun pila ng animated movie na nagtatampok sa boses ni Antonio Banderas kundi ng Praybeyt Benjamin ni Vice Ganda. Mali ako ng sinehan!

Itinuro ng isang taga-SM na sa IMAX palabas ang Puss in Boots na nasa dulo ng The Block, sa main building. Lakad to death na naman kami and when we reached the other side, agad join na naman kami sa mahabang pila na inabutan namin, only to find out na pila na naman ’yun ng Praybeyt Benjamin.

Aba, masaya si Vice Ganda, puwede nang magdikit ang dalawang napakahahabang pila ng manonood ng kanyang pelikula! At kung sa first day showing pa lamang ay ganun na kahahaba ang pila, what more sa mga susunod na mga araw?

Mahaba rin naman ang pila ng Puss in Boots pero, hindi ka maiinip. Habang nakapila ay puwedeng sumali ang mga bagets sa mga pakontes na isinagawa ng mga taga-Solar Films. Kahit ba sabihing mga mascara, stickers, at T-shirts lamang ang ipinamimigay na premyo, enjoy pa rin ang mga sumali. Puwede ring magpakuha ng pictures, solo o grupo, suot ang napakaraming pamimiliang hats, from the Puss in Boots movie at meron ding hats ng Angry Birds at mga zombies. In a few seconds lang, get mo na ang pictures. May exhibition ng fen­cing at meron ding masarap na meryenda na inihanda ang Solar Films para sa lahat ng mga manonood ng movie.

Excited ang mga bagets dahil lahat ng mga manonood ay pinahiram ng 3D glasses. Akala mo tuloy abot kamay lang ’yung screen. Maraming kids ang napasigaw nang sa unang credits pa lamang ay biglang lumitaw ang pagkararaming pusa na akala nila ay kakalmutin sila.

Maliit lamang ang IMAX, kulang ang upuan sa dami ng inimbita na ang mga ita­as na rows ay naka-reserba na sa mga taga-IMAX at Solar. ’Di ka naman ma­kapunta ng harapan dahil maninigas ang leeg mo at ’di puwede sa mga may vertigo na katulad ko. Ilang minuto akong nagtiyagang maupo sa aisle hang­gang sa may mga hindi dumating kaya ang mga nakareserbang upuan sa ka­nila ay pinaupuan na sa amin.

Nakakaaliw ang pelikula na tungkol sa friendship ng isang pusa at ni Humpty Dumpty. Tungkol din ito sa relasyon ng isang ina sa kanyang mga anak, tunay man o ampon. May love story ding involved between Puss in Boots and Kitty.

Bukod kay Banderas, tampok din ang mga boses nina Salma Hayek, Zach Galifianakis, at Billy Bob Thornton, sa direksiyon ni Chris Miller. Palabas na ito sa mga sinehan simula ngayon mula sa United International Pictures at ipinamamahagi ng Solar Films.

ANGRY BIRDS

ANTONIO BANDERAS

BILLY BOB THORNTON

BOOTS AND KITTY

CHRIS MILLER

PRAYBEYT BENJAMIN

SOLAR FILMS

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with