Sabi na nga ba’t may malaking rason kung bakit nagpapahanap ng bahay na malilipatan si Claudine Barretto a few weeks bago lumabas ang nangyari sa kanila ni Raymart Santiago. Ang gusto nito, malapit ang bahay na lilipatan sa bahay nila ni Raymart para siguro hindi nahihirapan ang mga anak nila sa pagpapalipat-lipat sa kanila ni Raymart.
Ang kuwento, na kay Raymart ang mga anak nila ni Claudine dahil nabanggit nito sa isang kaibigan na gusto na niyang makasama ang mga anak.
The last time na nakausap ng press si Raymart, walang nahalata sa kanya at excited pang ibinalita ang opening ng Red Garlic Bistro/Café na isa siya sa may-ari. Thankful ito na tahimik ang isyu sa kanila ni Claudine, ’yun pala may sasabog na malaking isyu.
Roxanne Guinoo magbabalik bilang ‘anak’ ni Robin
Si Manny Valera na ang manager ni Roxanne Guinoo after pumirma ng aktres ng three-year exclusive contract sa DMV Entertainment ni Manny. Nag-expire na ang kontrata ng aktres sa ABS-CBN, pero sa network pa rin niya gustong magtrabaho. In fact, kung maaayos ang negosasyon, lalabas si Roxanne sa Maalaala Mo Kaya (MMK).
We asked Manny kung ano ang plano ng DMV sa bago nilang talent at ito ang sagot ng talent manager: “We’re really targeting dramatic roles for her that will showcase her acting skills. Dapat mapapansin siya sa gagawin niya at maipakita ang acting capabilities niya.”
Excited si Roxanne at si Manny sa offer ng MMK dahil lalabas siyang anak ni Robin Padilla at kung paano nangyari ito, hintayin ang episode na ’yun.
Nora, cover uli sa isa pang mag
After YES! magazine, sa November issue ng Preview mag naman cover si Superstar Nora Aunor and hopefully, walang controversy na dala ang mga pictures niya sa nasabing magazine, unlike sa nangyari nang lumabas ang unang cover photo.
Ibang-iba ang hitsura ni Nora sa Preview na kuha ni Marc Nicdao na tuwang-tuwa na siya ang napili to shoot the superstar.