Alaga ni Imelda, tsugi agad!

Cool na cool si Imelda Papin habang inaanunsiyo na last time na nila ng kanyang protégé na mapapanood sa singing contest ng GMA7, ang Protégé habang hindi na mapigil ang pag-iyak ni Rosalyn Navarro na napili  niya sa tatlong nakapasa sa audition na isinagawa ng GMA7 sa Bikol. She was the sole biritera sa 10 protégé na nagsimulang magbakbakan nung linggo sa Battle for the Biggest Break. Hindi lamang si Mentor Imelda ang umasam na magtatagal siya sa eksena dahil bukod sa talagang may boses ay hindi naman siya sumablay sa kanyang unang pagsabak ‘di tulad ng ilan niyang nakalaban na kundi man pumipiyok ng ilang ulit, rendered easy songs. Para ngang hindi kumpetisyon ang naganap kundi isang performance lamang. Rosalyn and Imelda should have known and realized na hindi pagalingan sa pagkanta ang pinasok nila kundi isang palabas lamang. Sayang ang effort nila!

Nangako si Imelda na panonoorin ang naging unang laban ng protégé niya. Gusto lang niyang makasiguro na hindi napaglaruan ang discovery niya na sinasabi ng mga judges na hindi orihinal ang pagkakabanat ng Listen pero original ba naman daw ang pagkakabanat ng mga kalaban nito ng mga kinanta nila?

Malaking disappointment!

Hindi lamang ang 1st result night ng Protégé ang nagbigay ng malaking disappointment sa mga manonood sa TV kundi ang mga nakasaksi sa pagkatalo ng El Gamma Penumbra sa results night naman ng Pilipinas Got Ta­lent. Hindi naman sa pagmemenos ko ng talent ng Maasinhon Trio pero akala ko bukod sa unique ang act ng mga Bisayang kalahok, maganda pa rin ang mensaheng ipinaaabot nila. Totoong magaling naman ang trio, pero everybody thought El Gamma Penumbra was the best. Pero sabi nga, sino ang makakatalo sa suwerte. Hindi naman lahat ng nagtsa-champion ay pinakamagaling, baka may ibang mas magaling pero sila ang pinakamaswerte.

Chad  nagpaparamdam na uli sa concert scene

Makaraan ang maha­bang panahong hindi ko na­ririnig ang boses at napapanod sa anumang palabas si Chad Borja, finally ay magpaparamdam siya sa isang grand reunion ng mga 80’s singers (Lou Bonnevie, Gino Padilla, Jamie Rivera, Juan Miguel Salvador, at Ella Mae Saison) sa isang grand concert na naglalayong makatulong sa OPM.

Si Lou Bonnevie ang nagka-ideya na magsama-sama silang muli at siya ring nag-effort para mahanap silang lahat.

I’m sure lahat ng fans ng mga nasabing artists will be more than glad to see their favorites. Gaya ng mga tulad kong Chad fanatics na sina director Soxy Topacio at colleague Pilar Mateo.

Show comments