Tinanong namin ang asawang aktor ng actress-TV host kung bakit naalis ang misis niya sa isang show na matagal na siyang nagho-host? Ang sabi ng aktor, kailangang mag-resign ang wife niya dahil may sumasakit sa isang parte ng katawan and she was told by her doctor to take it easy at ’wag magpapagod ng husto.
Eh paguran at puyatan sa showbiz, kaya para hindi lumala ang kondisyon, nag-decide ang actress-TV host to resign from the show. Pero ibang rason ang alam namin and obviously, hindi ang true reason ang sinabi ng actress-TV host sa husband niya.
Umalis ang actress-TV host sa show dahil nagtampo sa producer-TV host na kasama sa show. Ang feeling nito, inaalis siya sa show dahil nag-decide ang producer-TV host na gawing alternate ang mga co-hosts ng show para walang maalis.
Castaways kanya-kanyang pagbubuking
May narinig kaming tsikang sa Oct. 26 na ang balik ng remaining castaways ng Season 4 ng Survivor Philippines at iilan na lang sila. Binanggit sa amin ang mga names na naiwan, pero bawal isulat, basta ang masasabi namin, palaban ang dalawang girls na hindi aakalaing magtatagal.
Dapat pinagbawalan muna ang mga naunang naalis na castaway na mag-tweet dahil nalalamang out na sila sa competition. Next season, dapat isama sa kanilang kontrata na iwasan ang mga social networking sites after sila ma-eliminate para walang spoiler sa mga naunang naalis.
Gelli at Bossing Vic magpa-partner sa sitcom
This Monday, 11 a.m., na ang pilot ng Gellicious, ang morning show ni Gelli de Belen sa TV5. Sa kanyang tweets, excited ang actress-TV host na active na uli siya sa television at nangako ng isang masayang show.
Ang sabi, isa lang ang Gellicious sa gagawing show ni Gelli sa TV5 dahil kasama rin siya sa sitcom nina Wally Bayola at Jose Manalo with Vic Sotto. In fact, ang sitcom ang unang nasara sa mga shows ni Gelli at nadagdag na lang ang Gellicious.
Sa galing na host at actress ni Gelli, tiyak na keri niya ang mag-host at magpatawa at the same time. She’s back na nga!
Ogie super napupuyat sa taping
Nababasa sa tweets ni Ogie Alcasid na nag-i-enjoy siya sa taping ng Daldalita kahit napupuyat dahil masaya ang mga kasama at alam na marami ang natutuwa sa napapanood. Hintayin ang muling pagkikita nila ni Jillian Ward na gumaganap na nawawala niyang anak.
Samantala, nakipag-meeting na pala si Ogie sa GMA Films para sa pagsasapelikula ng Boy Pick-Up, ang hit segment sa Bubble Gang na co-produced ng Regal Entertainment, Inc. for next year.