Cristine gustong solohin si Rayver

Sobrang saya ngayon ni Cristine Reyes dahil sa tagumpay na tinamo ng pelikulang No Other Woman kasama sina Anne Curtis at Derek Ramsay.

Proud din ngayon ang aktres dahil namamayagpag sa ratings ang kanyang teleseryeng Reputasyon. Katunayan ay mag-i-extend pa ng dalawang buwan ang nasabing serye kaya aabutin pa ito ng January.

Samantala, nakatakdang mag-out of the country si Cristine kasama ang boyfriend na si Rayver Cruz para makapagbakasyon kapag naging maluwag na ang kanilang schedule. Early this year ay na­ka­pagbakasyon na ang dalawa sa Thailand kaya pa­ngalawang beses na nilang magbabakasyon abroad kung matutuloy sila sa susunod na taon. Feb. 5 ang eksaktong birthday ni Cristine kaya balak ni­lang sa date na ito hanggang Valentine’s Day sila magbakasyon sa Amerika.

“Magbibiyahe kami sa States, balak naming magpunta ng LA, Las Vegas, at sa New York. Iti-treat niya ako. Siyempre birthday ko ’yun eh at saka Valentine’s. Kakukuha lang namin ng visa,” kuwento ni Cristine.

Kahit wala pang itinerary ang kanilang planong US trip ay sinisiguro ng dalawa na hindi sila magsasama ng chaperone.

“Ang suwerte naman ng chaperone, ipangsa-shopping ko na lang ’yun,” natatawang sagot ni Cristine.

“Sabi ko nga, ‘Ano ang gagawin natin sa Vegas? Hindi naman tayo iinom, tayo lang namang dalawa. Hindi naman tayo marunong mag-casino. Sabi niya road trip lang, experience lang kasi siyempre Vegas ’yun. Sabi niya, ‘Eh tayong dalawa, uminom tayo.’

“Sa New York naman, ayun manonood sa Broadway pero gusto ko doon mag-Valentine’s Day,” dagdag pa ng aktres.

Napapabalitang magpapakasal na sina Cristine at Rayver sa Las Vegas kaya hindi sila makapagbigay ng detalye tungkol sa kanilang nalalapit na pag-alis.

“Kung magpapakasal ako, siyempre ayokong i-secret ’no? Gusto ko alam ng lahat ’di ba? Ang gusto ko ’yung traditional wedding. Siguro mga five years from now. Five or six or seven years, basta huwag lang lalampas ng thirty,” pagtatapat pa ng dalaga.

Bagong grand champ ng PGT makikilala na

Kagabi ay napuno ang Ynares Sports Complex sa Antipolo City ng lahat ng taga-suporta ng Pilipinas Got Talent Season 3. Nagpakitang gilas sa performance night ang 12 contestants.

Ang El Gamma Penumbra ng Batangas, Lucky Twins ng Tacloban City, Sandugo Band ng San Pablo, Laguna, Muriel ng Cebu, Synergy ng Negros Occidental, Bringas Brothers ng Davao Del Sur, Loverkada Kids ng Butuan City, Twin Divas ng Nueva Ecija, Maasinhon Trio ng Southern Leyte, Renagine ng Cagayan de Oro City, Khalil ng Parañaque City, at ang Kiriko ng Sta. Cruz, Laguna.

Sino kaya ang tatanghaling Season 3 grand winner at makapag-uuwi ng dalawang milyong piso?

Abangan mamayang gabi sa results night ng Pilipinas Got Talent!

Reports from JAMES C. CANTOS

Show comments