MANILA, Philippines - Pinarangalan ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang ABS-CBN president at COO na si Charo Santos-Concio sa ginanap na Gawad Parangal bilang pagkilala sa kanyang mga kontribusyon sa pagtataguyod sa Quezon City bilang isang de-kalidad na komunidad. Ang Gawad Parangal ay ang pinakamataas na parangal na ibinibigay ng Quezon City para sa mga mahuhusay na constituents nito. Maliban kay Santos-Concio, ang ibang mga awardees ay sina Father Joaquin Bernas, S.J., Ramon Rodriguez, Jose Vergara, Dolphy Quizon, Cheche Lazaro, Fernando Sena, Lea Salonga, Dr. Rustica Carpio, at Atty. Felipe Gozon. Sina QC Mayor Herbert Bautista at QC Vice Mayor Joy Belmonte ang personal na nag-abot ng medalya sa mga awardees sa isang recognition ceremony na ginanap noong October 12 sa Crowne Plaza Ballroom.