Samu't saring talento magpapatalbugan sa PGT 3 grand finals

MANILA, Philippines - Iba’t iba ang kanilang pinanggalingan, iba’t iba ang kanilang mga talento, pero iisa ang tagumpay na nais nilang makamtan— ang tanghaling ikatlong Pilipinas Got Talent grand winner.

Sino kaya sa 12 na nalalabing acts ang matutupad ang pangarap at magwawagi ng P2 million? Malalaman na ang sagot sa huling pasiklaban ng ta­lento ng mga Pinoy ngayong Sabado (Oct. 22) at Linggo (Oct. 23) sa inaabangang Pilipinas Got Ta­lent 3 Grand Finals live sa Ynares Sports Complex sa Antipolo City.

Matapos halug­hugin at puntahan ng PGT ang halos 80 siyudad at mu­ni­sipalidad sa ban­sa, li­ma sa mga ito ang naiwan para kuma­tawan sa Luzon, apat mula sa Visayas at tatlo naman mula sa Mindanao.

Handa na ngang magpakitang gilas ang shadow play act na El Gamma Penumbra ng Batangas City, reggae band na Sandugo ng San Pablo City, singing and dancing twins na Twin Divas ng Nueva Ecija, singing teen heartthrob na si Khalil Joseph Ramos ng Parañaque City, at Pinoy rappers na Kiriko ng Laguna.

Hindi naman papakabog ang contemporary ­dan­c­­­­ing siblings na Lucky Twins ng Tacloban, Pi­nay-Nigerian diva na si Muriel Lomadilla ng Cebu, aerial acrobatic act na Synergy ng Negros Occidental, at balladeers na Maasinhon Trio ng Southern Leyte na pawang itatayo ang bandera ng kabisayaan.

Malayo man ang kanilang lugar, hindi rin ito ma­giging hadlang para magpasikat ang singing acoustic duo na Bringas Brothers mula sa Davao Del Sur, acrobatic kid act na Loverkada Kids mula sa Butuan City, at batang biritera na si Renagine Pepito mula sa Cagayan de Oro.

Talaga namang napatunayan ng PGT na ma­pa­saang lugar ka man nakatira, mapasolo man, duo, trio, o grupo, ay may angking talentong maaring i­pag­­malaki saan man sa mundo ang mga Pilipino.

Kaya naman inaasahang mas mahigpit pa ang kumpetisyong magaganap sa season three finale sa Sabado at mas mahigpit din ang kumpitisyon sa pagboto dahil bawat numero o e mail ay limitado na ang maaring ipadala. Para sa kumpletong detalye at keywords ay bumisita lang sa http:// pilipinasgotta­lent.abs-cbn.com.

Pangungunahan ito ng hosts na sina Luis Manzano at Billy Crawford kasama ang mga huradong sina Kris Aquino, Ai Ai delas Alas at Freddie M. Garcia.

Show comments