MANILA, Philippines - Itatanghal ang Hairdressers Day 2011 ng Filipino Hairdressers Coop (Fil-Hair) sa ika-26 ng Oktubre sa Palacio de Maynila Events Place, Roxas Blvd., Manila.
Hinihintay ito ng mga hairdressers, cosmetologists at salon owners na lumalahok sa mga kategoryang (1) Mens Cut and Blow Dry (2) Ladies Evening Party MakeUp (3) Fantasy MakeUp (4) Masquerade MakeUp at (5)Total Look Star Look Alike). Ang mga magwawagi’y mag-uuwi ng trophy, cash at iba pang salon items. Ang grand champion ay magiging representative ng bansa sa APHCA (Asia Pacific Hairdressers and Cosmetologists Association) sa Macau ngayong Nobyembre.
Ang mga nais sumali ay maaaring tumawag kay Bong sa 726-8218 o 0917-4628128. Ang contest fee ay P150.
Ang beauty guru at salon czar na si Ricky Reyes ang founder-president ng Fil-Hair. Siya rin ang presidente ng Aphca na ang mga miyembro mula Japan, Korea, Hong Kong, China, atbp. ay dadalo para maging hurado sa Hairdresssers Day 2011 event.