Hindi shocking ang balita na nagladlad ang isang teen actor at nag-join ito sa beauty pageant ng mga gays.
Mas shocking na hindi siya kilala ng mga tao. Ipinagtanong pa ang name ng teen actor na dating napapanood sa Walang Tulugan with Master Showman.
Narinig ko ang name ng teen actor pero hindi ko rin ma-remember dahil hindi naman siya naging star na tulad ni Rustom Padilla aka BB Gandanghari.
Mahirap nang mapantayan ng ibang closet gay na aktor ang life story ni Rustom na nagbida sa mga action movies, naging leading man ng mga sikat na aktres, at nagpakasal sa isang magandang babae pero pagkalipas ng maraming taon, hindi nakatiis kaya ipinakilala sa publiko ang tunay na katauhan.
Lito kay Jinkee dapat magpaliwanag
Hindi ko mapahindian si Cristy Fermin at ang ibang mga tumatawag sa akin at humihiling na sagutin ko ang phone call ni Lito Camo kaya nagkausap kami nito noong Miyerkules habang nasa salon ako ni Bambbi Fuentes.
Walang closure ang pag-uusap namin ni Lito dahil tinalakan ko lang siya.
Sinabi ni Lito, gusto niyang maayos ang aming problema bago siya pumunta sa Amerika para makipagkita kay Manny Pacquiao kaya nagpilit siya na magkausap kami.
’Yan na nga ba ang sinasabi ko, gagawa-gawa si Lito ng mga kuwento, ’tapos siya ang matataranta at umaarte na siya ang inaapi ko. Hmp!
Siya pa rin ang pinag-umpisahan ng tsismis at gulo.
Talak ako nang talak kahapon sa parlor ni Bambbi. Mabuti na lang kakaunti ang mga kostumer or else, lalong mapapahiya si Lito dahil marami ang makakaalam ng kanyang mga kapalpakan.
Basta ang natatandaan ko, nag-alala si Lito na baka lalong lumaki ang gap nila ni Willie Revillame dahil siya rin ang itinuturo na source ng tsismis na inutusan ako ni Willie na siraan si Manny dahil magkatapat tuwing Sabado ang Wil Time Bigtime at Manny Many Prizes.
Mahirap nang paniwalaan ang mga paliwanag ng singer-composer dahil inconsistent ang kanyang statement. May sinasabi siya na ipinababasa sa kanya ni Willie ang mga text messages ko. Paano mangyayari ’yon eh kailan ko lang uli nalaman ang cell phone number ni Willie at ito ’yung time na hindi na umaaligid sa kanya si Lito?
Mahirap ding maging friend si Lito dahil parang dumidikit lamang siya sa mga tao na makikinabang siya. Paano mo pagtitiwalaan ang isang tao na may show sa ABS-CBN, GMA 7, at dati sa TV5? Nasaan ang kanyang loyalty?
Enough na ang pag-uusap namin ni Lito sa cell phone noong Miyerkules.
Hindi ko na kailangan ang mga paliwanag niya. Kung may tao siya na dapat kausapin, si Jinkee Pacquiao iyon at hindi ako. Mag-explain siya kay Jinkee sa tunay na participation niya sa binyag ng anak ni Kat Ordoñez.
’Yun ang tunay na isyu, huwag nilang i-divert sa ibang anggulo.
Huwag silang magdamay ng mga inosenteng tao. Tama na naging biktima ako ng pagkamalisyoso ni Lito. ’Yun lang!
Alfred sunud-sunod ang offer!
Nag-pictorial kahapon sa ABS-CBN ang cast ng Christmaserye na pagbibidahan nina Quezon City Councilor Alfred Vargas, Dimples Romana, at ng mga child stars na sina Zaijian Jaranilla, Mutya, at Xyriel Manabat.
Hindi pa sure ang title ng Christmaserye na timing na timing ang pictorial kahapon dahil lilipad ngayong gabi sa Italy si Alfred.
Nag-umpisa noong nakaraang linggo ang taping kaya may pondo si Alfred bago siya umalis ng bansa.
Maganda ang kuwento ng bagong teleserye ng ABS-CBN. May another project na iniaalok kay Alfred na hindi ko madesisyunan dahil baka hindi na kayanin ng kanyang schedule.
Tumatanggap lang kami ni Alfred ng show kapag wala itong conflict sa kanyang function bilang konsehal ng 2nd District ng QC.