Life and Style susuriin ang mga problema sa buhok

MANILA, Philippines - Marami sa atin ang ‘di nakakaalam na may mga bagay tayong ginagawa na nakasisira ng ating buhok. Ito ang resulta ng tinatawag na bad hair day o ‘yung isang araw na pagharap mo ng salamin ay tila ayaw mong lumabas ng bahay dahil pangit ang ‘yong buhok at ‘di mo ito maayus-ayos.

Panoorin ang Life and Style with Gandang Ricky Reyes alas-onse ng umaga ngayong Sabado sa GMA News TV dahil may Hairline News dito na magpapakita ng mga krimen na ang resulta’y pagnipis at pagkalugas ng buhok. Itatampok (bilang mga talent) ang mga tunay na parlorista na mali ang pagsa-shampoo, pagpapatuyo, pag-aa-yos at panga­ngalaga ng buhok.

Iisa-isahin din ni Mader Ricky na masama ang laging nakatali, nakapusod o nakaiipit ang buhok dahil dapat itong pinagpapahinga rin. Ipapaalam din niyang bawal ang sobrang paninigarilyo at pag-inom ng kape dahil ang nicotine at caffeine ay nakakasira ng buhok.

“Ipinaaalala pa sa show na ang buhok ay dagdag-puntos sa kagandahan ng mga babae o kakisigan ng mga lalake. Kaya dapat matutunan ang paraan ng pangangalaga nito,” sabi ni Mader RR.

Pasok sa show ang pasaway na si Detective Ganda. Huhulihin niya ang mga kriminal na pumapatay sa buhok at parurusahan ang mga ito.

At siyempre, abangan ang regular segment ni Doc Smiley tungkol sa wastong pangangalaga ng ngipin.

Ang Life and Style with GRR ay produksiyon ng ScriptoVision.

Show comments