Edgar Allan nag-sorry na sa manager

Poor, poor Edgar Allan Guzman. Hindi pa man siya ganap na nagtatagumpay sa kanyang career pero unti-unti na siyang napapansin pero meron agad intriga sa kanya.

Ang masama pa, manager niya ang sinasabing nagtatampo/nagagalit sa kanya dahil nagsisinungaling siya. Ayaw yata niyang pakinggan ang payo nito na huwag niyang bigyang prayoridad ang kanyang love life at sa halip ay sa kanyang career siya mag-concentrate.

Balitang nag-sorry na ito sa manager at nangakong magbabago na.

Tama lang. Sino ba ang hahanga sa kanyang babae kung taken na siya? Sana maintindihan din ito ng dyowa niya.

Nora pinatid ang pisi sa Dos

Sa pagbibigay tuldok ni Nora Aunor sa puwede pa nilang pagsamahan ng ABS-CBN, hindi ko masisi ang Kapamilya Network kung hindi na rin magi­ng bahagi ang Superstar sa kahit na anong aktibidad meron sila na kasangkot ito.

Pinatid na ni Nora ang pisi pero nananalig ako na kayang pawiin ng panahon ang anumang sigalot o tampuhan na meron sila.

Bigyan na lang natin sila ng sapat na panahon to come to terms. At sino ang makapagsasabi, baka magkatrabaho silang muli?

Ayan at pumayag na si Charo Santos-Concio na bigyan ng recognition ang superstar bilang honorary awardees sa Cinema One Originals Digital Film Festival.

Susan Roces gagamitin to the max ng Kapamilya

Maraming followers ang 100 Days to Heaven pero sa paggi-guest dito ni Susan Roces, mas dumagdag pa ang manonood. Vocal kasi ang reyna ng pelikula sa pagsasabi na gusto niyang maging bahagi ng kuwento kaya, hayun, ginawa siyang nanay ni Anna Manalastas (Coney Reyes/Xyriel Manabat) at sa pagdating niya ay mas maraming luha ang aagos.

Ngayong nasa ABS-CBN muli si Susan, inaasahang gagamitin to the max ng network ang talent niya.

Susan has made the rounds of Channels 2, 7, and 5. At naniniwala siyang hindi dapat malimitahan ang pagtatrabaho niya sa iisang istasyon lamang.

Show comments