Kumpisal ni Eddie Garcia hindi nakayanan ng pari

MANILA, Philippines - Magsisilbing espes­yal na pa­nauhin sa prime­time series ng GMA 7 na Iglot ang be­te­ranong aktor na si Eddie Garcia.

Gagampanan niya ang papel ni Mang Celso, isang ex-convict na nais mag-bagong buhay matapos makulong nang mahabang panahon.

Mangungumpisal siya kay Father Ruben (Rom­­nick Sarmenta) at laking gulat niya nang bigla na lamang tumayo at lumabas ng confession room ang pari.

Bakit ganoon na lamang ang reaksiyon ni Father Ruben nang marinig ang kuwento ni Mang Celso?

Makahingi pa kaya ng tawad si Mang Celso para sa kaniyang mga kasalanan?

Magkita kaya sila ni Iglot?

Alamin ang mga kasagutan sa pagpapatuloy ng makulit na adventures ni Iglot gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad. 

Show comments