^

PSN Showbiz

Nasa Palau morning show host, bomb shell, dating beauty queen kasali sa Survivor

- Ni SVA -

MANILA, Philippines - Panganib at intriga ang Survivor Philippine Season 4. Sa gitna ng nakaambang unos, mga makamandag na mga hayop at mahirap na buhay sa kampo, handang magpagalingan at magtagisan ang bagong batch ng castaway upang magwagi at maging susunod na Celebrity Survivor! Pinag-uusapan na kung sinu-sino ang mga bagong castaways. At base sa mga bulung-bulungan, narito ang listahan ng mga celebrities na tumanggap sa hamon ng Survivor.

Siguradong susuportahan ng kani-kanilang mga girlfriends - isang morning show host at isang sexy actress - ang tandem ng magpinsang hunky Tisoy na ito.

Break muna sa kanyang hosting job ang Fil-Am hottie na ito upang tikman ang buhay sa isla kasama ang sultry singer na ang plano ay ayusin ang kanilang estranged romantic partnership.

Nagmakaawa raw ang isang young professional surfer sa kanyang ina, isang former beauty queen-turned-sexy actress para lamang makasali sa Survivor. Pumayag ang nanay at ipinagpalit ang kanyang kumportableng buhay sa siyudad sa buhay sa isla.

May kani-kaniyang pamilya ang dating magka­love-team na child stars na ito na sinasabing may naudlot daw na romantic relationship. Magbabalik kaya ang dati nilang damdamin sa isa’t isa habang pareho silang nasa isla?

Dalawang bombshell – isang hot TV host, na nakilala dahil sa nakaaaliw niyang version ng isang pop song, at ang sexy dancer, na ilang beses nang nasangkot sa break up ng ilang showbiz couples – ang walang kyemeng magpapakita ng katawan at kakayahan para manalo.

Hindi naman pahuhuli ang dalawang basketball muse – ang kontrobersiyal na actress na dating asawa ng isang professional basketball player at ang courtside reporter at radio jock na kilala sa kanyang liberal views.

Pampabawas tension naman ang mga nakakatawang hirit ng comic duo na ito. Magwagi kaya sila sa tulong ng kanilang sense of humor?

Internet celebrity noon hanggang sa naging covergirl ng isang men’s magazine ang sexy actress na absent muna sa kanyang kinabibilangang gag show para makasama sa isla ang kanyang non-showbiz boyfriend.

Opposites attract. Totoo kaya ito para sa isang former star search graduate na siya raw ang apple of the eye ngayon ng hunk model na nakilala sa isang fastfood chain commercial?

Ang dalawang hunky jocks naman ay nasangkot na sa intriga dahil nag-pose sila para sa isang underwear campaign. Makayanan kaya nila ang intriga sa isla o gagamit sila ng lakas para manalo?

Kilalanin ang interesting mix ng castaways na siguradong hatid ay doble sa drama, doble sa intriga at doble sa excitement sa bagong season ng Survivor Philippines sa GMA7 na sinasabing nasa Palau ngayon.

Albert mas nahihirapan sa sakit ni Liezl

Naging emotional si Albert Martinez nang pag-usapan ang tungkol sa sakit ng asawa niyang si Liezl sa The Buzz last Sunday.

Akala kasi nila ay okey na ang lahat sa asawa na binigyan na ng clean bill of health last year.

Pero nag-recur ang breast cancer ni Liezl.

 “Again gumuho na naman ang mundo ko. For the past two years, akala ko okay na. We’re having plans again of ‘we want this, we want that, we’ll go here, we’ll go there.’ And then all of a sudden, nangyari ulit iyon. Parang what’s going on? Nag-stop lahat. It’s harder the second time around to put the pieces together. Parang ito na ba iyon? Is there any hope,” sabi niya sa interview ng talk show.

Matagal nang ipinagdarasal ng mga kaibigan sa showbiz ni Liezl ang kanyang kalagayan.

Nagkaayos na ba ang mag-inang Amalia Fuentes and Liezl?

Nagdeklara noon ang dating aktres na ayaw na niyang makipagbati sa anak dahil hindi naman ito proud sa kanya. Mas importante raw sa anak nito ang mga kaibigan tulad nina Pops Fernandez at Kris Aquino.

                                                                                                                       

ALBERT MARTINEZ

AMALIA FUENTES

CELEBRITY SURVIVOR

ISANG

KANYANG

LIEZL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with