Jinkee naghahamon ng DNA test sa 'naanakan' ni Pacman, walang planong pumunta sa Amerika

SEEN : Malungkot na malungkot ang mga nagmamahal kay Liezl Martinez matapos bumalik ang kanyang breast cancer.

SCENE : Kahapon ang unang araw ng shooting ni Albert Martinez para sa You Light Up My Life, ang pelikula ng Star Cinema na pinagbibidahan nina Coco Martin at Angeline Quinto.

SEEN : Parang nakapambahay lang si Angeline Quinto sa song number niya sa ASAP Rocks noong Linggo. Hindi pang-ASAP ang damit niya.

SCENE : DNA test ang hiling ng mga nagmamalasakit kay Jinkee Pacquiao para paniwalaan nila ang pagtanggi ni Kat Ordoñez na may anak ito kay Congressman Manny Pacquiao.

SEEN : Walang katiyakan ang balita na pipirma si Nora Aunor ng panibago at mas matagal na kontrata sa TV5.

SCENE : Ang pasasalamat ni Jennylyn Mercado kay Batangas Governor Vilma Santos dahil sa mga atis na ipinadala sa kanya ng nanay ni Luis Manzano.

SEEN : Nalilito ang manonood sa mga pinalitan na timeslots ng mga show ng TV5. Nakaapekto ang bagong timeslot ng Face to Face sa mga manonood.

SCENE :  Ang ticket prices sa Black Eyed Peas, Live in Manila, ang concert ng Black Eyed Peas sa SM Mall of Asia Concert Grounds  sa October 25: SVIP SEATED 15k sold out, VIP seated 12k, VIP A 10k, VIP B 8k, GOLD 6k, SILVER 3k, BRONZE 1k . May 15% discount ang mga Citibank Card holder  at malaki ang discount sa bibili ng maraming tickets. 

Show comments