Takot sa daga si Jillian Ward pero hindi maiiwasang magkaroon siya ng ganitong makakasama sa bago niyang seryeng Daldalita kung kaya iginawa na lamang siya ng GMA 7 ng ganitong hayop sa pamamagitan ng computer. Hindi naman ito makakabawas sa kagandahan ng bago niyang palabas lalo’t ang mga iba pang hayop na makakasama niya ay buhay lahat at palalabasing nagsasalita.
Ang mga hayop na magiging kaibigan niya at makakausap ay mga farm animals tulad ng bibe, pato, manok, baboy, at aso. Ayaw niya rin ng malaking pusa pero okay sa kanya ang kuting. May alaga siyang aso, si Coco, na natanggap niyang regalo nung nagsisimula pa lamang siyang artista pero lumaki na ito at sabi niya ay “may asawa na.”
Enjoy ang pambatong child star ng Kapuso Network. Masaya siya kapag may bago siyang palabas at kahit marami ng ibang batang artista ang GMA 7, hindi siya threatened. Katunayan, wala siyang nararamdamang takot na baka mabawasan ang projects niya dahil sa kanila. Hindi pa ito nasasaklawan ng kanyang murang kaisipan. Hindi pa niya dama ang kumpetisyon na dala nila kaya wala siyang masabing hindi maganda tungkol sa kanila, at kahit anong provocation ang gawin ng press hindi siya mapipilit na sabihin kung mas sikat ba siya o mas magaling kesa sa kanila. Pero kapag sinabi mong magkakaroon siya ng project with them ay okay lang sa kanya.
Enjoy si Jillian sa gumaganap na dad niya sa Daldalita, si Ogie Alcasid. She admits na funny ito and she looks forward sa gift na sinabi nitong ibibigay sa kanya.
Julia nauungusan na si Kathryn
Suwerte naman ni Julia Montes, mauuna na siyang magka-solo series kay Kathryn Bernardo na hinahanapan pa ng ka-partner sa pagbibidahan niyang serye, samantalang si Julia ay sigurado nang kay Coco Martin ipapareha. Type ’di ba dahil may nauna ng isyu sa kanila na puwedeng magamit sa promo ng pagsasamahan nilang proyekto?
Talagang sinusuwerte si Julia dahil baka makasama nila ni Coco sa serye si Susan Roces na nagbabalik-Kapamilya.
Marami sa tagasubaybay ni Clara sa seryeng Mara Clara ang umaasam na simula na ito ng paghihiwalay ng dalawang popular na tandem sa TV. Panahon na nga naman para maipamalas nila na may kakayahan din silang mag-solo.
Dolphy tuloy ang trabaho kahit retirable na
Hindi madamot si Dolphy sa pagsasabi ng mga artistang inaakala niyang masusundan ang kanyang yapak sa larangan ng komedya. Ang katangian niyang ito ang nagpapamahal sa kanya sa tao. Habang ang marami ay takot na magkaroon ng kapalit, welcome sa Comedy King ang unti-unting pag-angat ng posisyon nina Vic Sotto, Willie Revillame, Vhong Navarro, at Michael V. sa bansa. Pero habang malakas pa at maganda ang career ni Dolphy, mananatili ang apat na ito sa kanyang anino. Inamin ng hari na kahit retirable na siya ay gagawa at gagawa siya ng proyekto.
Sa totoo lang, taga-dugtong ng kanyang buhay ang trabaho. “Masaya akong nagtatrabaho,” sabi ni Dolphy.
May Pidol siya sa TV5 na nagsisilbing libangan at pinagkakakitaan din niya at the same time.
Melanie busy sa rancho sa USA
Sa kabila ng matagal na pagkawala sa local scene, Melanie Marquez is still very much a part of showbiz. Hindi pa rin naman siya napapalitan bilang pangunahing endorser ng New Placenta products ng Psalmstre. Maski ang law studies niya has to take a back seat para mapangatawanan ang pagiging asawa ng isang farmer-lawyer sa Utah, USA na si Adam Lawyer. May mga ranch helpers sila pero sa bahay ay si Melanie mismo ang nag-aasikaso ng kanyang bahay at nangangalaga sa pamilya.
“Hindi naman ako nakakulong sa bahay. Marami rin akong activities sa aming lugar. I organized charity shows but I personally take care of my household. Hindi naman mahirap dahil advance na ang technology, marami ng electric appliances, and gadgets. I just have to learn to push all the necessary buttons,” pagmamalaki niya when she last visited.
In contact naman sila ng Psalmstre. Umuuwi siya kapag may kailangan siyang gawin para sa New Placenta.