Kung hindi pa ako napilit ng kaibigang Virgie Balatico na samahan siya sa panonood ng isang konsiyerto, isang gabing maulan, sa Music Museum, hindi ko malalaman na marunong palang kumanta ang isa pa sa ipinagmamalaking anak ni Daisy Romualdez, ang isa sa itinuturing na prinsesa ng TV5 na si Danita Paner.
Maganda ‘yung konsiyerto na iprinodyus ni Daisy Romualdez sa Music Museum para kay Danita, nakakabata! I
I heard marunong din siya tumugtog ng mga musical instruments, nakapagtatakang hindi niya ito ipinamalas sa SRO concert ni Daisy. It would have placed Danita a little higher than her co-princesses sa Kapatid Network.
Biruin mo, para makasama niya sa concert ang mga tulad nina Marian Rivera, Rufa Mae Quinto, Sam Milby at isang full orchestra na pinamumunuan ni Homer Flores.
Hindi ko rin akalain na napakalaki na pala ng improvement ni Gerald Santos as a singer.
Siyang siya ang mga nanood ng Rock Me, Rock You concert. Tamang tama lang para sa kanila ang show, maraming kantahan, may sayawan na ang isang number ay tinampukan ni Marian Rivera. May comedy din na hatid ng Foxy Ladies. More than the stars on stage, may mga celebrities din sa audience, sina Gloria Romero, director Emmanuel Borlaza, Jinkee Pacquiao and her twin sister, Gov., Chavit Singson, Annabelle Rama at Eddie Gutierrez. Marami ang disappointed na hindi nakita ang boyfriend ni Danita na si JC de Vera.
Pia ipakikilala na ang asawa
May idi-detalye si Pia Guanio tungkol sa bagong kabanata ng kanyang buhay ngayong hapon sa Showbiz Central. Kung gusto n’yong mas makilala pa ang lalaking bumihag sa kanyang puso at agad na pumayag maging misis nito, tutok lang kayo mamaya
Sa unang pagkakataon saksihan ang madamdaming pagsasama nina Marvin Agustin at ng kanyang ama na tinutukan exclusively ng programa ng GMA. Ganundin ang kontrobersiyal na batian nina Yasmien Kurdi at Baron Geisler ang siyang kukumpleto sa mainit na episode ng SC.