^

PSN Showbiz

Kris pinagbigyan ni Jed

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

MANILA, Philippines - Napagkamalang revival ng kanta ni Toni Braxton ang carrier single ng seventh album ni Jed Madela na Breathe Again (na title rin ng album).

Pareho kasi ang title sa kanta ng singer na wala na sa eksena. Pero klinaro ni Jed na original song ang Breathe Again sa album niya.

Anyway, may ilang kanta sa bagong album na super birit ang male singer. Kung sabagay dito naman talaga expert si Jed. Ang bumirit na parang walang effort.

Actually, parang matagal-tagal rin bago nasundan ang last album ni Jed.

 “I am keeping my word, promise. It took some time because I really want to give you something exceptional and incomparable.

“I have set a tight standard when I chose each song for this album. These new songs will make everyone…. Breathe Again,” sabi niya sa album na may 14 songs.

Ang Breathe Again ay isang ballad song that speaks about the different facets of love  ups and downs, joys and pains.

Pero nang tanungin siya kung alin ang pinaka-gusto at outstanding niyang kanta, Larawan ang napili niya. Ang rason, ‘something vocally-challenging’ while Ikaw Na Lang Ang Kulang as a stirring ballad.

Sinabi rin ni Jed na bagay sana sa teleseryeng Budoy ang nasabing kanta pero sadly may theme song na ito na si Angeline Quinto ang kumanta.

Teka bakit nga ba hindi kumakanta ng theme ng mga teleserye ng Kapamilya Network si Jed?

Anyway, siyam ang original songs sa Breathe Again.

Pinagbigyan naman niya ang request ng kaibigan niyang si Kris Aquino na mag-record ng revivals. Kinanta niya ang Later ng Fra Lippo Lippi.

Jed also revived Lani Misalucha’s Bukas Na Lang Kita Mamahalin, Peabo Bryson’s If Ever You’re In My Arms Again, Barry Manilow’s I Made It Through The Rain, and Fantasia Barrino’s I Believe, which made Jed trend when he performed the song on ASAP Rocks two weeks ago.

 Aside from the launch of Breathe Again, magkakaroon din siya ng special concert  Beyond Expectations this Nov. at the Cultural Center of the Philippines with Ballet Manila, Gary Valenciano and Martin Nievera as guests.

Rufa mae updated sa kondisyon ni mang dolphy

Updated si Rufa Mae Quinto sa health condition ng comedy king na si Dolphy, ang lolo ng ‘friend’ niyang si Boy2 Quizon.

The last time na makausap namin siya, alam niyang nasa hospital si Mang Dolphy.

Pero ayon naman sa isang malapit sa comedy king, maayos na ang kalagayan nito at malapit nang magka-recover.

Show ni juday nakakagutom!

Nakakaaliw ang Junior Master Chef hosted by Judy Ann Santos sa ABS-CBN. Nakakagutom ang mga ginagawa ng mga batang chef na ito.

Sa kababata nilang ‘yun ang gagaling nilang magluto. Walang binatbat ang mga medyo may edad na sa kanila.

Bagay din kay Juday ang programa. Swak sa pagiging mommy niya ang show kaya mataas ang rating nila.                                                                                                              

ALBUM

ANG BREATHE AGAIN

ANGELINE QUINTO

BALLET MANILA

BARRY MANILOW

BEYOND EXPECTATIONS

BREATHE AGAIN

JED

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with