^

PSN Showbiz

Gabay-guro 2011 nasa Life and Style

-

MANILA, Philippines - Tutok sa Life and Style with Gandang Ricky Reyes ngayong Sabado alas-onse ng umaga sa GMA News TV 11 para matungha­yan ang coverage ng isang natatanging pa­rangal sa mga guro.

Blow by blow account ng Gabay-Guro 2011 na ginanap sa Mall of Asia ang ihahatid ni Ma­der Ricky. Special guest naman sa programa ang Ms. Philippines Earth 2011 na si Athena Imperial na ngayo’y mistulang tipikal na titser sa mga batang iminumulat niya sa kanyang anti-plastic campaign.

Dalawang guro na tapat sa propesyon ang pararangalan ni Mader. Huwaran sila at namumukod-tangi sa kanilang mga kasamahan. 

Sa Mall of Asia ay nagtayo ng isang Gandang Ricky Reyes booth at doo’y ginupitan, inayusan at pinaganda ang mga dumalong guro. Nagkaroon ng isang beauty contest at ang nanalo’y kinoronahang Gandang Guro 2011 nina Mader, Athena at first lady ng Pasay City na si Madam Calixto. 

Magbibigay ng mensahe sa mga guro ang mga Kapusong sina Rhian Ramos, Jose Ma­nalo, Wally Bayola, Sheena Halili, EB Babes, Paulo Balleste­ros, at ang debonair balladeer na si Richard Poon.

Ang Life and Style with Gandang Ricky Reyes ay produksiyon ng ScriptoVision.

ANG LIFE AND STYLE

ATHENA IMPERIAL

GANDANG GURO

GANDANG RICKY REYES

JOSE MA

LIFE AND STYLE

MADAM CALIXTO

MADER

MALL OF ASIA

MS. PHILIPPINES EARTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with