Paliwanag ni Maricel sa mga 'sinaktang' katulong huli na!

Seen : Ang misa ng pasasalamat sa 17th floor ng GMA 7 noong Huwebes ng gabi dahil sa tagumpay ng Amaya. Duma­lo sa Thanksgiving Mass si Marian Rivera at ang co-stars niya sa Amaya.

Scene : Ang promo appearance ni Lea Salonga sa Barnes & Noble The Grove, Los Angeles sa October 27, 7:00 pm. Ipo-promote ni Lea ang kanyang album, ang The Journey So Far.

Seen : Ang pag-amin ni Bea Alonzo na may relasyon sila ni Zanjoe Marudo. Matagal na itong alam ng mga tao. Hindi na sila na-shock.

Scene : Masayadong maaga upang sabihin ni Baron Geisler na nagbago na siya matapos ang ilang buwan na pananatili sa rehabilitation center.

Seen : May nang-aaway kay Toni Gonzaga dahil sa pagtatanggol nito sa kanyang boyfriend na si Paul Soriano na ina­akusahan na lasenggero. Baron Geisler ang alias na ginamit na pangalan ng tao na naglabas sa Internet ng litrato na may intensiyon na siraan si Paul.

Scene : Why now? Ang tanong ng marami dahil nga­yon lamang pinabulaanan ni Maricel Soriano ang bintang na pang-aabuso ng kanyang mga kasambahay. Sa taray ni Maricel, kung hindi totoo ang mga bintang, sumagot na siya noon pa at nagkontra-reklamo laban sa mga kasambahay.

Seen : Naninilaw sa dumi ang mga urinal sa canteen toilet ng GMA 7. Nakakadiri.

Scene : Maling-mali ang tweet ni Heart Evangelista na 'Oh Juicy channel 5 pleassse come up with something true about me.’ Mali dahil ipinagtanggol siya ng mga host ng Juicy laban sa negative write up tungkol sa kanya.

Show comments