Yasmien enjoy magpa-anak

PIK : Proud na proud si Yasmien Kurdi sa kanyang achievements bilang nursing student dahil ang dami na niyang napuntahang public hospitals para mag-duty.

Pinaka-enjoy niya ay mag-assist sa panga­nganak, kaya talagang kinakarir niya ang kanyang pag-aaral.

Isa rin ito sa mga dahilan kung bakti pumayat siya dahil madalas ay napupuyat sa duty.

Dalawang taon pa, ga-graduate na siya sa nursing, pero kapag nakapag-ipon, gusto niyang tumuloy sa medicine.

Kaya tinanggap ang guesting sa Amaya dahil sem break naman niya. At least, kumikita naman siya kahit paano.

PAK : Wala pang kumpirmasyon mula kay Marvin Agustin pero totoo ang nakarating sa aming hindi na siya nag-renew ng kontrata sa GMA Artists Center.

Ang bago niyang manager ay si Annabelle Regalado na dating taga-Star Records.

BOOM : Parang mas relaxed na si Regine Velasquez ngayong nalaman niyang caesarean operation ito sa kanyang panga­nganak.

Mabuti na ’yun para hindi na siya gaanong ma-stress dahil baka nga naman mahirapan pa kung pipilitin itong normal delivery.

“It’s safer kasi dahil sa posisyon ng bata. Baka pilitin natin baka doon din papunta.

“I think for our age, baka mas preferable na caesarean,” pahayag ng songwriter nang nakatsikahan namin ito sa presscon ng bagong programa niyang Daldalita.

Ayon kay Ogie Alcasid, sa huling check up ni Regine nakita na nilang handang-handa nang lumabas ang kanilang baby.

Malamang mga third week of November ay manganganak na ito.

“Mahaba ang baby, parang hindi nga nagmana sa akin. Baka sa Velasquez side ’yun dahil mahaba ang legs. Eh sa aming mga Alcasid medyo maliliit ang legs,” natatawang kuwento ni Ogie.

Sa Lunes na pala magsisimula ang Daldalita bago mag-24 Oras.

Show comments