Lorna excited na sa pagdating ng apo

Lyla Victoria ang pangalan ng unang apo ni Lorna Tolentino na isisilang sa susunod na buwan. Lyla dahil ito ang name ng madir ng girlfriend ni Rap Fernandez at Victoria dahil ito ang first name ni LT.

Obvious na excited si Lorna sa nalalapit na arrival ng kanyang apo dahil siya mismo ang nagkuwento sa mga reporter na dumalaw sa taping ng Glamorosa sa Mandaluyong City.

Ninang ako ni Rap at matagal ko nang alam na magiging tatay na ang aking inaanak pero tikom ang aking bibig.

Sure na sure ako na masuwerte si Lyla Victoria dahil magkakaroon siya ng loving grandmother sa katauhan ni LT.

Mapagmahal na ina at lola si LT at napatunayan ko ito sa sobrang pag-a­alaga at pagmamahal niya kay Chelsea, ang anak ni Mark Anthony Fernandez na very close sa kanya.

Kahit wala na si Rudy Fernandez, may communication pa rin si LT kay Chelsea na madalas na bumibisita noon sa bahay nila ni Daboy sa White Plains.

Hindi pa kasal si Rap at ang girlfriend nito. Gaya ng kuwento ni LT, hindi pa nagsasama sa iisang bubong ang kanyang anak at manugang pero hindi nakakalimot si Rap sa mga responsibilidad nito.

Glamorosa kukunan sa Flawless

Si LT ang endorser ng Flawless kaya kukunan sa clinic ng Flawless ang mga eksena niya sa Gla­morosa.

Nakausap ko noong Miyerkoles ang EP ng Gla­morosa at nagkasundo kami na ang Flawless Clinic ang venue ng taping dahil hindi naman magandang tingnan kung kukunan sa ibang beauty clinic ang mga eksena ni LT.

Eh very loyal si LT sa Flawless. Knowing her, hindi siya papayag na mag-taping sa ibang beauty clinic dahil siguradong magkakaroon ng conflict.

Bakekang may trabaho na uli

Magdamag na umulan noong Wednesday night sa Metro Manila kaya feel na feel natin ang pana­nalanta ng typhoon Ramon.

Pero wa effect ang lupit ng bagyo dahil perfect pa rin ang attendance ng entertainment press sa grand launch ng Daldalita.

Ilang araw na akong nagkukuwento tungkol sa Daldalita kaya alam n’yo nang lahat na ‘yun ang bagong show ng GMA 7 at ni Jillian Ward.

Mapapanood sa Daldalita ang loveteam nina Elmo Magalona at Julie Ann San Jose, pati na ang old loveteam nina Ogie Alcasid at Manilyn Reynes.

Isinali sa cast ng Daldalita si Eunice Lagunsad a.k.a Charming, ang bata na nakilala noon sa TV remake ng Bakekang.

Dalaga na si Eunice at siya ang breadwinner ng pamilya. Timing na timing ang pagpunta noon ni Eunice sa GMA 7 para maghanap ng trabaho dahil agad na isinama siya sa cast ng Daldalita.

Siyempre, kontrabida uli ang role ni Eunice dahil siya ang magpapahirap kay Jillian sa Daldalita.

Jinky Oda tinablan ng whitening

Nagbabalik-TV din si Jinky Oda bilang si Tisay. Hindi umapir si Jinky sa presscon ng Daldalita at kung sinipot niya ang grand launch, mani­nibago sa kanya ang mga reporter.

Pumuti na si Jinky as in hindi na maitim ang kulay ng kanyang balat. ‘Yun yata ang epekto ng whitening product na ini-endorso niya.

May “K” na si Jinky na tawagin na ‘Tisay.’

Show comments