Pinagmulan nina Robin at Vhong sa showbiz, hahalukayin
MANILA, Philippines - Bago nanaig bilang Binoe at Mr. Suave sa industriya, paano kaya nakipagsapalaran ang ngayong tanyag nang sina Robin Padilla at Vhong Navarro?
Ngayong Huwebes (Oct 13) sa Us Girls, ibabahagi nina Robin at Vhong ang kanilang pinagmulan at pinagdaanan bago narating ang inaasam na kasikatan.
Bukod pa riyan, gugunitain din ng bantog na fashion designer na si Frederick Peralta kung paano niya ginapang ang tugatog ng tagumpay mula sa pagiging tindero ng diyaryo at isda.
Samantala, bibisitahin nina Iya Villania, Angel Aquino, at Chesca Garcia-Kramer ang Marikina para alamin kung paano nagsimula ang paggawa ng sapatos sa bansa. Tingnan kung ano ang itsura ng pinakaunang sapatos na nagawa sa shoe capital ng ‘Pinas.
Bibiyahe rin ang Us Girls sa buong lungsod para balikan ang pinagmulan ng ilan sa mga paborito nating kainin – ang sisig, kakanin, at pansit.
Lahat ng iyan sa Us Girls ngayong, 9:30 p.m. sa Studio 23.
- Latest