Taping ng Sa Ngalan Ng Ina nabibitin sa sakit ng superstar
SCENE : Nakahinga nang maluwag si Yasmien Kurdi dahil natapos na ang kaso nila ni Baron Geisler, matapos itong humingi ng public apology sa kanilang joint presscon na nangyari sa Pepiton’s Restaurant noong Martes ng gabi.
SEEN : Magandang-maganda si Lorna Tolentino sa welcome plug ng TV5.
SCENE : Kung may Vandolph na trusted aide si Susan Roces sa Babaeng Hampaslupa, may Ian de Leon na trusted aide si Nora Aunor sa Sa Ngalan ng Ina.
SEEN : Ang early invite ni Annabelle Rama sa kanyang birthday party sa huling linggo ng Oktubre. Hindi makararating si Richard Gutierrez dahil nasa taping ito ng Survivor Philippines : Season 4.
SCENE : Hanggang November 4 lamang sa ere ang Sa Ngalan ng Ina ngunit hindi pa matapus-tapos ang taping ng mini-serye ni Nora Aunor.
SCENE : Ang report ng Box Office Mojo sa mga pelikula na ipinalabas sa mga sinehan sa Pilipinas noong September 28 hanggang October 2. Ang report ng Box Office Mojo ang clear proof na blockbuster ang No Other Woman ng Star Cinema at Viva Films.
- Latest