Sinundan sa Amerika, Sharon dinadamayan si KC
Kahit nakakaisang linggo pa lamang si Sharon Cuneta sa bansa mula sa kanyang European tour ay muli na namang umalis ang Megastar dahil gusto raw siyang makasama ng anak na si KC Concepcion sa Amerika. “My eldest daughter needs me naman. One week naman ako sa States sandali,” bungad ni Sharon.
Naimbitahan daw kasi si KC para sa isang charity event para kay former US president Bill Clinton sa Hollywood Bowl sa October 15.
Hiniling daw ni KC sa ina na samahan siya sa nasabing event. “She got an invitation to Bill Clinton’s 65th birthday. It’s a fund raising thing and she’s supposed to bring one person. She sent me a message, sabi niya, mama I hope you can accompany me. I’m very happy about it. Noon ko pa gusto si Bill Clinton, but I am especially proud of my daughter. Actually alalay lang ako ni KC dun,” pabirong sagot ng aktres.
Ayon pa kay Sharon ay talaga naman daw very open ang komunikasyon nilang mag-ina at excited silang dalawa na mag-spend ng quality time sa Los Angeles. “She’s currently in her European tour. We’ve been texting, ang problema, mauuna ako sa L.A., one week lang kami dun. It’s not really a vacation because the event will be held for two days. It’s just really such an honor that I’d get to experience seeing a U.S. president. Kasi na-meet na niya before ‘di ba? KC was introduced to him before, then the following evening there would be a concert featuring Bono, Lady Gaga, Usher, and Edge so manonood kami,” dagdag pa ni Ate Shawie.
Ano kaya ang reaksiyon niya sa napabalitang hiwalayan diumano nina KC at Piolo Pascual? “She’s okay now. I’m okay because my daughter is okay. As long as my daughter is okay I’m okay,” giit pa ni Mega.
Melissa nakukulitan sa naging relasyon nila ni Jake
Mukhang naka-move on na ngayon si Melissa Ricks mula nang magkahiwalay sila ni Jake Cuenca kamakailan. “A lot better now. Ang masasabi ko ngayon mas mag-e-enjoy ako sa buhay ko. Mas lumalabas ako with friends ko. Mas marami akong natutunan na hindi ko alam dati kasi closed ako sa isang bagay lang,” pahayag ni Melissa.
“Now mas nag-bi-venture ako sa mas maraming bagay. Marami na akong nakikilalang mga kaibigan and I’m happy,” dagdag pa ng young actress.
Mas gusto raw ngayon ni Melissa na non-showbiz na sana ang susunod niyang magiging boyfriend. “Para hindi nauungkat ‘yung buhay n’yo, ‘yung nai-issue. Kasi right now it’s over six months and ‘yun pa rin ‘yung issue di ba? Sabi ko I’m moving on na, sana everyone else will move on na rin. Ulit-ulit na lang. ‘Pag inaano ako ng music and dim lights, napapaiyak tuloy ako so ‘di ba? Tama na, tama na, happy na lang,” nakangiting pagtatapos ni Melissa. -Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest