Sino ako para pigilan si Lovi? - Susan

Gumaralgal ang boses at namula ang mga mata ni Ms. Susan Roces ha­bang pinag-uusapan ang asawang si Fernando Poe, Jr., sa presscon ng RiteMed. Puno ng lungkot ang pahayag nitong, “Sa kanila boto lang ang nawala, sa akin buhay ang nawala.”

Sinagot din ni Susan ang tanong kung payag siyang makasama sa project si Lovi Poe at sa follow-up question kung proud siya sa mga ginagawa ng aktres?

“I respect her decision. Ibang henerasyon ng artista siya at pinangangatawanan ang alam niyang tama at alam ang responsibilidad niya. Sino ako para pigilan siya?”

Samantala, pinangangatawanan ni Susan ang misyong imulat ang tao sa mas murang gamot ng RiteMed. Pumunta siya sa laboratory at tiningnan kung paano ginagawa ang mga gamot at tiniyak na malinis ang gawang mga gamot ng RiteMed.

Nadine at Leandro hiwalay agad

Ang bilis namang natapos ng relasyon nina Nadine Samonte at Leandro Muñoz na inabot lang yata ng two months. Sa interview sa aktres sa Paparazzi, friends pa rin sila ng aktor kahit hiwalay na sila.  

Inamin din ni Leandro ang mabilis na ending ng romance nila ni Nadine, naintriga lang kami sa text na ipi­nadala nito sa isang TV host. Sabi nito, “I thought       she’s the right girl for me.” Parang may hindi magandang nangyari ‘di ba?

Pero kung pakikinggan ang kampo ni Nadine, parang ang aktres ang nakipag-break kay Leandro. Ayaw daw nito ng long-distance relationship, hindi kayang sumunod kay Leandro sa States at hindi pa puwedeng mag-asawa dahil may three-year contract pa sa TV5 at hindi maiwan ang career at pamilya.            

Pamilya Nina Dingdong at Marian magba-bonding sa Amerika

May thanksgiving mass ang mga taga-Amaya this week para magpasalamat sa success ng epic serye na extended up to January 13, 2012 next year. Sana dumating ang buong cast, pati na ‘yung mga naalis at ang mga bagong dagdag na sina Ronnie Lazaro at Yasmien Kurdi.

Chance na rin ng press na makausap si Marian Rivera na balita namin, nag­­­ka­sakit kasama si Gina Alajar dahil nag-uulan sa mga nakaraang araw. Makukuwento rin ni Marian ang nalalapit na pagiging warrior niya na hinihintay na ng viewers.

Aalis pala si Marian kasama si Dingdong Dantes kasama ang ina ng aktres at pamilya ng BF para manood ng laban ni Manny Pacquiao sa November 18 sa Las Vegas. 

Show comments