After the huge success of Baywalk Bodies na hindi na gaanong aktibo ngayon dahil kung hindi pamilyado na ang maraming miyembro ay masyado nang lumaki ang mga ulo para makaya pang dalhin ng kanilang manager na si Lito de Guzman. Kaya ang ginawa nito ay bumuo ng isang alternatibong grupo na muli ay bibigyan niya ng panahon para mapasikat at maging bahagi ng mundong matagal na siyang kabilang. Tinawag niya itong Wondergays.
Sexy din naman ang anim na miyembro ng bagong grupo na binubuo niya, ’yun nga lamang hindi sila mga tunay na babae. Gaya nang isinasaad ng kanilang pangalan, mga bakla sila – bading, bayot, binabae, o anumang tawag sa kanila ng lipunan — pero bukod sa nakatutuwa silang panoorin, may mga boses namang inaasahang magbibigay sa kanila ng kasikatan. Sa Oct. 18, sa Zirkoh Morato, Quezon City, gaganapin ang kanilang kauna-unahang major concert.
Pinamagatang May Nag-tweet, ipamamalas nina Blue, Pink, Gray, Yellow, Green, at White ang talent na inaasahan nilang magdadala sa kanila sa tagumpay. Nang tumawag ng audition si De Guzman para sa bubuuin niyang grupo, pinaka-pangunahing requirement niya sa sasali ay kailangang kumakanta ito. Suwerte niya na ang anim ay hindi lamang nakakakanta kundi talagang puwedeng bumirit, sumayaw, at magpatawa.
Sa May Nag-tweet, may mga hunks na panauhin ang Wondergays na kinuwestiyon sa presscon ng kanilang concert kung totoong bakla lahat o nagbabakla-baklaan lamang. Nalaman kasi na may apat na anak na si White at bago ito naging certified Wondergay ay naging isang macho dancer muna.
Bukod kina Polo Ravales, Frank Garcia, Ahron Villena, at Baron Geisler, imbitado rin bilang guest sa concert ang Mocha Girls.
Buy na agad kayo ng tiket dahil selling like hot cakes ito.
Tawag na kayo 441-1276, 413-6791, at baka may maabutan pa kayo.
Mini serye ni Nora nakakatulugan na lang
Tama rin ’yung obserbasyon ng marami na malaki ang epekto ng pag-o-overtime ng programang Wil Time Big Time sa seryeng Sa Ngalan ng Ina ni Nora Aunor. Nakakatulugan na ng marami ang paghihintay sa serye. Kaya itinutuloy na lang nila ang pagtulog. ’Yung mga fans ni Nora ay baka nakapagtatiyaga pa pero paano ’yung hindi? Paano ’yung gusto lamang ay makita kung tunay ngang kapuri-puri ang isang Nora Aunor bilang artista?