Dedma sa isyung hiwalayan nila, Piolo two weeks makiki-bonding kay KC sa Amerika
Marami ang nagulat sa naging pahayag ni KC Concepcion noong Linggo sa The Buzz tungkol sa isyu nila ni Piolo Pascual. Nagpunta si KC sa Europe para makapagbakasyon ng ilang araw at makapag-isip.
Ayon naman kay Piolo ay natutuwa siya dahil pagkakataon ito na magkaroon sila ni KC ng mas mahabang bonding time sa nalalapit nilang US tour.
“I’ll be leaving on the last week of October with KC and Yeng Constantino. We’re doing five shows and then I’ll be back for taping kasi ipapalabas agad ’yung bago kong soap which is Padre de Pamilya. Of course, we’ll get to spend time together. We’re going to be together in the States for two weeks,” pahayag ni Piolo.
Samantala, ngayon ay excited nang mag-taping ang aktor para sa teleseryeng pagsasamahan nila ni Jericho Rosales, ang Padre de Pamilya.
“On Thursday, taping na kami so I am really excited kasi tuloy na tuloy na ’yung project,” pagtatapos ni Piolo.
JM De Guzman bida na, kaya todo diet!
Pinaghahandaan na ngayon ni JM de Guzman ang kanyang role para sa pinakabagong teleserye na kanyang gagawin, ang Angelito, Batang Ama. Gaganap si JM bilang menor de edad na tatay sa nasabing serye. Ngayon ay nagsisimula na ang binatang magbawas ng timbang para mas mukhang bata para sa bagong project.
“Minsan sa gabi naghahanap ng kanin ang katawan ko. Wala pa namang isang buwan pero naka-lose na ako ng five pounds. So, target ko mga ten pounds pa bago magsimula ang taping,” pahayag ng 24-year-old na aktor.
Muling makakasama ni JM ang dati niyang leading lady sa Alyna na si Charee Pineda.
“Okay na okay kasi simula pa lang, sa Alyna pa lang, nagkatrabaho na kami. Akala namin parang tsamba lang na magkatrabaho kami uli,” sabi ni JM.
May posibilidad kayang ma-in love ang aktor sa kanyang leading lady? “Mahirap ’yon. Baka kapag naging kami, doon na mawala, doon maaapektuhan. Sa ngayon ’yung working relationship parang ang dali-dali ng trabaho kasi komportable kami sa isa’t isa,” pagtatapat ng binata.
Proud na proud ngayon si JM dahil siya na ang magbibida sa isang serye. Kaya ia-apply niya ang mga natutunan niya sa kanyang mga dating proyekto. “Ito kasi ’di ba nga iba ’yung lead character sa title role? Mas sa ’yo umiikot ’yung istorya, mas malaki ang responsibilidad. One thing na natutunan ko sa work lalo na sa Mula sa Puso, huwag masyadong mag-isip kasi armado naman ako. So, alam ko naman ang dapat gawin, alam ko ’yung dapat i-apply.
“Nung masyado akong nag-iisip, umabot sa puntong, sa sobrang dami ng info, nagkakamali ako. Relax lang, gawin lang ang trabaho in a relaxed way. Kapag nate-tense ka parati, wala na,” giit pa ni JM.— Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest