Ulat-panahon, makukuha na sa phone

MANILA, Philippines - Dalawang taon na ang nakalilipas nang mangyari ang trahedya ng bagyong Ondoy. Nakita na lamang ng marami ang sarili nila na lubog sa tubig-baha dala ng malakas na buhos ng ulan. Maraming buhay at mga ari-arian ang nasayang.

Hahayaan mo bang mangyari muli ito sa iyo o sa iyong mga mahal sa buhay?

Sa pagdating ng bagyo sa bansa - tulad na lamang ng mga bagyong Pedring at Quiel kamakailan - impormasyon at kahandaan ang pinakamalakas nating sandata.

Kaya naman dalawang taon matapos ang Ondoy, inihahandog ng ABS-CBN News sa publiko ang pagkakataong kaagad na makakuha ng balita sa panahon at iba pang impormasyon kaugnay nito gaya ng signal ng bagyo, mga pagbaha o suspensyon ng klase.

I-type lamang ang WEATHER<space>ON sa inyong cell phones at ipadala sa 2366 para sa lahat ng networks, P2.50 para sa bawat set ng mensahe para sa Globe at Smart subscribers at P2 para sa Sun.

Sa pamamagitan ng pag-subscribe sa SMS service na ito, kaagad mo nang makukuha ang impormasyon tungkol sa panahon na kailangan mo. May pasok ba sa eskuwelahan ang iyong mga anak? Dadaanan ba ng malakas na signal ng bagyo ang bahay mo? Masasagot na ang mga tanong na ito nang wala kang ginagawa kundi pindutin lamang ang cell phone mo.

Show comments