LJ proud sa bagong career ng ka-live in
Never na-bother si LJ Reyes sa ginawang paglipat ni Paulo Avelino sa kabilang istasyon sa ABS-CBN. Mas masaya nga siya dahil nakakapag-explore ito ng ibang mundo. Ang anak naman nila ang makikinabang sa kung anumang tagumpay ang marating nila sa kanilang career.
Sa nakikita naman niya ay may mas magandang naghihintay sa ama ng kanyang anak sa ginawa nitong paglipat. On her side, she’s undergoing a new phase in her career.
Kuwento ng batang ina na hindi siya kinondena ng mga tagasubaybay niya nang magbuntis siya agad.
“Parang mas na-appreciate nila na nag-decide ako to keep the baby, na hindi ko itinago ang pagbubuntis ko. But I had to go to the States kasi ’yun ang gusto ng mom ko. Gusto niya andun siya sa pagbubuntis ko, sa panganganak ko. Nag-suggest din siya that I raise my baby in the States pero sabi ko rito na lang kami, hindi ako bagay sa States. I promised her na dadalaw-dalawin na lang namin sila ng sister ko dun.”
Proud si LJ na one year and two months old na ang anak nilang si Ethan Akio. Malikot na ang bagets. Marunong na siyang sumayaw at nagtatakbo na.
“Hands-on sa kanya si Paulo, napaka-protective nito sa anak. I breastfeed him kaya siguro hindi ako tumataba. Sa ngayon wala kaming iniisip ni Paulo kundi ang ma-secure ang future niya. Ako, okay na sa takbo ng career ko. Kahit hindi ito bonggang-bongga basta palaging may magagandang projects. Love ko lang talaga ang umarte,” sabi ng kontrabida ng Kapuso Network.
“Si Paulo ang gustong magpabongga ng career. Okay na sa akin, para rin naman kay Aki ’yun. Go ako kung anuman ang gawin niya for his career, and I hope makita niya ’yung recognition na hinahanap niya. Ako, I’m looking forward sa sampalan scene namin ni Ms. Cherie Gil. I do not know what to expect, makakaya ko bang sampalin siya? But I have to at sana hindi ako ma-intimidate sa kanya.”
Puso ni Kc, sugatan!
Obvious sa ikinikilos ni KC Concepcion prior to her leaving for Spain na hindi pa talaga sila nagkakaayos ni Piolo Pascual. Kung okay sila, sana nagpaalam siya ng mahusay sa kanyang boyfriend pero sa kanya na rin nanggaling na walang alam ang aktor sa pag-alis niya na aniya ay gagawin niya para makapag-isip-isip. Hindi rin niya mabigyang-linaw kung okay pa ang relasyon nilang dalawa.
Ang malinaw lang ay she looks to be nursing a broken heart at kaya siya aalis ay para makapagpalamig. Sana nga pagbabalik ay mayroon na siyang malinaw na desisyon. Siya lamang ang makapagbibigay-solusyon sa problema nila ni Piolo. Malinaw na sa kanya iniiwan ni Piolo ang desisyon.
Fifteen OPM icons pararangalan ng PMPC
Handa na ang Philippine Movie Press Club (PMPC) 3rd Star Awards for Music, sa pagkakalooob ng mga natatanging karangalan para sa maipagkakapuring alagad ng musika, sa Oct. 16, alas-sais ng gabi, sa Lee Irwin Theater, Ateneo de Manila, Quezon City.
Magsisilbing hosts sina Christian Bautista, Nikki Gil, Gian Magdangal, at Karylle. Ang trivia host ay si Janno Gibbs at si Jaya ang primer host.
Maghahandog ng special numbers sina Cesar Montano, Pilita Corrales, Jed Madela, The Company, Angeline Quinto, at Sakto (Rodjun Cruz, Lucky Mercado, at Edgar Allan Guzman).
Ngayong taong ito ay pararangalan ng PMPC ang 15 OPM icons. Sila ay napili sa mga pambihirang achievements na naiambag sa musikang Pinoy sa kanilang 40 years sa industriya. Ang mga ito ay sina Jose Mari Chan, Celeste Legaspi, Sylvia La Torre, Ryan Cayabyab, Mike Hanopol, Pepe Smith, Jim Paredes, Boboy Garrovillo, at Danny Javier ng APO, Basil Valdez, Madrigal Singers, Victor Wood, Freddie Aguilar, at Nora Aunor.
Ang tatanggap ng Lifetime Achievement Award ay si Ms. Nora Aunor.
Ang 3rd PMPC Star Awards for Music ay mula sa Beginnings at 20 Plus, Inc. ni Ms. Pelita Peralta Uy, sa pakikipagtulungan ng Net 25 at Star Express. Mula ito sa direksyon ni Arlene Tolibas.
Ang kabuuan ng 3rd PMPC Star Awards for Music ay mapapanood sa Oct. 23, 9:30 p.m., sa Net 25. Ang primer ay sa Oct. 22, 8 p.m. sa Net 25 pa rin.
- Latest