^

PSN Showbiz

'Tama na ang dayaan, tama na ang pang-iisa, panglalamang sa kapwa natin' - SUSAN ROCES

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Inamin ni Ms. Susan Roces na nagkaroon siya ng depression nang magsimula nang lumaki ang balita na nagkaroon nga ng dayaan noong panahong tumakbo sa pagkapangalo si Da King Fernando Poe Jr. Ito ang first time na umamin si Ms. Susan tungkol dito sa presscon ng RiteMed kung saan siya ang ambassador.

Alam naman daw niyang may ganun dahil kita sa mga election returns pero walang gustong makinig noon. “Lahat ay nagmamadaling umupo. Hindi ko naman sila masisisi dahil tumatakbo ang panahon. Kailangan nang mag-umpisa lahat at kailangang magpatuloy ang trabaho. Pero nakita naman natin dahil sa mga pangyayari ay hindi naging maganda ang ibinunga.

 “Ang gusto ko lang mangyari sa mga panahon ngayon ay bigyan nila tayo ng garantiya na hindi na mabababoy kailanman ang ating mga boto. Hindi makakapamuno nang maayos kung sinuman ang iuupo natin na hindi natin tunay na hinalal. Kahit na saang lebel, kahit na pinakamataas o pinakamababang posisyon sa gobyerno.

 “Tama na ang dayaan, tama na ang pang-iisa, panglalamang sa kapwa natin,” matapang na sabi ng naiwang misis ni FPJ.

May nagtanong din kung umaasa pa ba siyang maipo-proklamang pa­ngulo si FPJ bilang pagkilala sa pagkapanalo nito. Sinabi niyang hindi niya pa alam ang isasagot dahil nagmamasid pa rin naman siya sa mga mangyayari sa isinasagawang investigation sa umano’y nangyaring dayaan nga noon. “Katulad ninyo, nagmamanman din ako at nakikinig kung ano ang pangyayari. Ang tanging dalangin ko lang ay sana magkaroon ng pamamaraan. Ito ay mahinto at huwag nang maulit sa mga darating na eleksiyon. Sapagkat ang ating boto, bawat isa sa atin ay sagrado,” matapang na sabi ni Ms. Susan.

 “Kaya ako nananahimik, iginagalang ko kung ano ang gusto nilang sabihin. Kung ano ang gusto nilang ilabas na nasa puso nila na matagal nilang kinikimkim.

 “Sa akin, sa aking puso, hindi ako nagtatanim, o nag-aalaga, o nagpapalaki ng galit. Kung anuman ang mga panahon na nalalabi pa sa aking buhay, ‘yan ay inilalaan ko sa pagtulong sa aking kapwa, sa pagbibigay ng pagmamahal at pag-aaruga,” sabi ni Ms. Susan.

 “Totoo maraming nakapanakit. Tao lang ako, may damdamin. Masakit. Para sa iba, ang nawala lang sa kanila ay ang boto nila. Para sa akin, ang nawala, ang buhay ko. ’Yun lang,” naiiyak niyang sabi sa interview pagkatapos ng presscon ng RiteMed.

 Samantala napangiti lang si Ms. Susan nang may nagtanong kung meron pang katapat na gamot sa RiteMed si Presidente Gloria Macapagal Arroyo.

“Alam n’yo, hindi n’yo naitatanong, ang sakit ni GMA ay sakit ko rin — degenerative (disease). Meaning, it’s part of ageing. So, ang kanya lang, dito sa leeg. Ang sa akin, dito sa fourth and fifth vertebra. That’s why I have to wear a brace. May mga kilos na maselan na hindi ko dapat gawin. Hindi ako dapat magbuhat ng mabigat.

“Ang lugar lang ng kanya ay mas maselan dahil dito (leeg). Ang akin, ’di ko na pinagalaw. Maraming may ganitong klaseng sakit. Hindi ko pinagalaw kasi maselan nga eh. In between the vertebra.”

At imbes na galit ang maramdaman niya o magalit sa nagtanong, nag-wish pa siya na gumaling agad si GMA na nakalaban noon ni FPJ.

 At “lagi naman” ang sagot niya nang tanungin siya kung ipinagdarasal niya si GMA.

On the lighter side, kinumpirma ni Ms. Susan na anytime now ay mag-uumpisa na siyang mag-taping para sa gagawin niyang serye sa ABS-CBN.

Wala pa siyang ibinigay na pangalan kung sino ang makakasama niya pero ipalalabas daw ito first quarter next year.

“Ako po ay hindi exclusive sa iisang network. Ako po ay freelancer. Puwede ako sa Kapamilya, Kapuso, Kapatid dahil ako ay isang kamag-anak,” sabi niya.

Totoo raw na may naka-line up siyang programa sa TV5 pero ang mga makakasama niya ay may iba pang ginagawa kaya tinanggap niya ito. “Prebilihiyo ko na magtrabaho sa lahat ng network. Dito kasi nakahanda na ang lahat,” dagdag niya.

Piolo nahuli ni Kc sa condo?

Pinaglalaruan na ngayon ang balitang break up nina Piolo Pascual at KC Concepcion na kasalukuyang nasa Europe na ayon sa kanya ay para makapag-isip-isip.

Ang latest na tsismis kahapon, tsismis lang ha, na nahuli raw kasi ni KC si Piolo na may kasama sa bed nang minsang mag-surprised visit ito sa condo ng boyfriend. Pero nakatalukbong daw ang dalawa at hindi na nag-dare si KC na gulatin ang aktor.

Bigla na lang daw itong lumayas at saka umiyak nang umiyak. Ito raw ang rason kaya bigla itong lumipad pa-Europe.

Ewan ko naman kung sino ang source ng kuwento. Pero isa lang ang malinaw - pinaglalaruan na lang sila dahil balitang-balita naman na matagal na silang hiwalay ayaw nga lang umamin.

Panahon na siguro na si Piolo ang magsalita.

Si KC ang nakakaawa sa issue. Kaya lang ang sabi ng isang friend ng aktor hindi ito naniniwala sa mga nega na issue so parang malabong mangyari na magsalita siya.

vuukle comment

AKO

KUNG

LANG

MS. SUSAN

NANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with