'Big Time' ang ASAP Rocks

MANILA, Philippines - Wala nang mas lalaki pa sa mga sorpresang hatid ng ASAP Rocks nga­yong Linggo (Oct. 9), 12:15 ng tanghali sa ABS-CBN.

Tampok sa Big Time episode ng top-rating musical variety show ng ABS-CBN ang engrandeng launch ng pinakabagong Primetime Bida teleserye na Budoy na pinagbibida­han ng Drama Prince Gerald Anderson kasama ang isang powerhouse cast na kinabibilangan nina Barbara Perez, Christian Vazquez, Dante Rivero, Gloria Sevilla, Enrique Gil, Jessy Mendiola, Tirso Cruz III, Mylene Dizon, Zsa Zsa Padilla at ang nagbabalik-Kapamilya na si Janice de Belen.

Abangan ang mga makatindig-balahibong concert performance nina Martin Nievera, ZsaZsa Padilla, Piolo Pascual, Sarah Geronimo, Jericho Rosales, Zia Quizon, Robin Nievera, at ASAP Sessionistas.

Kaabang-abang ang big showdown ng mga bida ng box-office hit movie na No Other Woman na sina Anne Curtis at Cristine Reyes. Samantalang isang back-to-back grand welcome naman ang naghihintay para sa mga Pinoy singing champions na sina Angeline Quinto, Yeng Constantino, at Marcelito Pomoy; Kitchen Musical supahstars Karylle at Christian Bautista; at sa Big Five finalists ng Biggest Loser Pinoy Edition.

Naglalakihang production numbers naman ang inihanda para sa kanilang fans nina Primetime Princess Kim Chiu, JM de Guzman, Sam Concepcion, Robi Domingo, Enchong Dee, at ng mga finalist ng Pilipinas Got Talent  kabilang ang Lucky Twins, Twin Divas and Bringas Bros!

Kasabay naman ng birthday blowout ang hatid ng ASAP Rocks para kina Prince of Pop Erik Santos at Star Magic talent Carmen Soo, mapapanood din ngayong Linggo ang supahsized supahdance numbers .

Show comments