^

PSN Showbiz

Jaya kakasuhan ng travel agent

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK : Pumirma na si Isabel Oli ng managerial contract sa Viva Artists Agency kamakalawa ng hapon.

Co-managed na siya ngayon ng Viva at ni Becky Aguila.

Ayon kay Isabel maayos siyang nagpaalam sa GMA Artist Center at Kapuso artist pa rin siya dahil may three-year network contract itong pi-nirmahan sa GMA 7.

Kasali si Isabel sa Daldalita at ang balak naman ng Viva ay gawan siya ng pelikula na medyo daring.

PAK : May nagkuwento sa aming military ang concept ng birthday party ni Baby Lucho, anak nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos.

Nung Biyernes ang first birthday ni Baby Lucho pero bukas ang malaking birthday party na gaganapin sa isang event place sa Maynila.

Ayaw ng mag-asawa ng media coverage kaya mga pamilya at malalapit na kaibigan lang ang imbitado.

BOOM : Itinatanggi ni Jaya na may pagkakautang ito sa isang travel agency na kinunan nila ng mga tickets papuntang Amerika.

Ang producer ng show niya ang nag-book ng kanilang plane ticket at ito dapat ang magbabayad.

 Pero ayon sa travel agent na kinunan nila ng tickets, tumalbog ang tseke ng producer kaya ipapa-cancel na sana ng travel agency ang kanilang ticket pabalik ng Maynila.       

Pero si Jaya mismo ang nakiusap na huwag i-cancel dahil hahabol ito sa taping ng Protégé.

Nangako ito pati ang manager niyang si Maristel Sampedro na sila mismo ang maniningil sa producer pero wala namang nangyari.

Ayon sa travel agent, kung hindi nila ito gagawan ng paraan na mabayaran ang mga kinuhang tickets, mapipilitan siyang magsampa ng demanda laban sa producer pati sina Jaya at ng manager nito dahil sila naman ang gumamit ng ticket.

Mahigit P300,000 ang halaga ng mga tickets na kinuha nila dahil kasama ring umalis ang ina ni Jaya na si Elizabeth Ramsey.

Ang laging sinasabi ng kampo ni Jaya, hindi rin kasi sila binayaran ng producer.

vuukle comment

ARTIST CENTER

AYON

BABY LUCHO

BECKY AGUILA

ELIZABETH RAMSEY

ISABEL OLI

JAYA

JUDY ANN SANTOS

MARISTEL SAMPEDRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with