Lovelife ni Jennylyn, gasgas na issue na

Seen : Boring at gasgas na ang isyu tungkol sa lovelife ni Jennylyn Mercado. Paulit-ulit na lang.

Scene : Boring at gasgas na rin ang isyu tungkol sa relasyon nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Seen : Ang TV commercial ng mag-inang Kris Aquino at Baby James Yap. Hindi alam ni Baby James ang ibig sabihin ng Tagalog words na siksik at sulit. Ipinaliwanag sa kanya ni Kris sa wikang Ingles ang kahulugan ng siksik at sulit. Nagmistulang dayuhan si Baby James sa sariling bayan.

Scene : Madalas na ngumunguya ng gum si Jake Cuenca dahil amoy sigarilyo ang kanyang bibig. Matagal nang isyu na hindi fresh ang hininga ni Jake.

Seen : Mali ang report na nagbago ng hairdo si Celeste Legaspi para sa role niya sa Glamo-rosa ng TV5. Matagal nang hindi kinukulayan ni Celeste ang kanyang puting buhok.

Seen : Nilalamon ni Nora Aunor si Nadine Samonte sa mga eksena nila sa Sa Ngalan ng Ina. Pinipilit ni Nadine na pantayan ang acting ni Nora pero bigo siya.

Scene : Wala si Alyssa Alano sa anniversary show kahapon ng Startalk. May balita na kasali si Alyssa sa Season 4 ng Survivor Philippines.

Show comments