Walang bayolenteng reaksiyon si Sam Milby sa observation ng iba na parang pansalamantalang tumamlay ang career niya after ng pelikula nila ni KC Concepcion na Forever and A Day. Hindi ganun ang pakiramdam ng actor-singer. “Na-delay lang kasi ang Alta (ang serye na pagsasamahan nila nina Gretchen Barretto, KC and Angelica Panganiban). Pero very soon eere na. Nag-training na kami (military training),” katuwiran ng Rockoustic Heartthrob sa launching ng kanyang third solo album under Star Records titled Be Mine.
Isasabay na sa Alta ang shooting ng pelikula nila ni Bea Alonzo. Pero next year na ito ipalabas dahil sisimulan pa lang nila ang shooting. Pang-third movie nila ito ni Bea.
Wala namang alam si Sam sa issue na may offer sa kanya ang TV5. Na bongga raw ang talent fee na ibinibigay. “Wala akong alam. Saka happy ako sa ABS-CBN. Hindi ko na kailangang lumipat,” sabi ni Sam.
Siguro raw maiisip niyang umalis kung wala na sa kanyang ibinibigay na trabaho. Pero so far magaganda naman ang project na napupunta sa kanya kaya never na pumasok sa utak niya na lumayas sa kanyang mother studio.
Nagbiro siya na kung ang offer ay 7x sa kasalukuyang TF niya baka sakali.
Anyway, hindi man agad siya napanood sa serye after ng IDOL, nagkaroon naman siya ng time na bumalik sa recording.
Say ni Sam itinuturing niyang special gift ang Be Mine album para sa kanyang fans. “Maaasahan nilang magagandang kanta ang maririnig nila. Mararamdaman nila ang bawat kanta. Makaka-relate hindi lang ang in-love kundi maging ang mga brokenhearted at pati ‘yung mga naghahanap pa lamang ng masasabihan ng Be Mine.”
Kaya naman tinanong namin siya? Meron na ba siyang sasabihan ng ‘be mine.’ Wala pa ang sagot ni Sam na dalawang taon na palang walang girlfriend.
After ng hiwalayan nila ni Anne Curtis, wala na siyang naging ka-on.
Parang kailan lang actually ang nasabing paghihiwalay nila. Na parang ang feeling ng marami noon parang mas nasaktan ang actress dahil ang balita ay siya ang nakipaghiwalay.
‘Yun pala, mas siya ang naapektuhan.
Anyway, going back to his album, sinabi niyang at least ngayon hindi na lang basta actor ang tingin sa kanya ng fans.
“Dati, aktor lang ang tingin nila sa akin. Pero dahil sa mga music albums ko, itinuturing na rin akong isang singer. Natutuwa akong nagugustuhan nila ang mga kanta ko,” sabi niya.
Kasi singing naman daw talaga ang first love niya.
May tatlong revivals at pitong original compositions ang Be Mine. Carrier single nito ang Hindi Kita Iiwan.
Ni-revive niya ang And I Love You So, ang original sound track (OST) ng pelikula nila ni Bea Alonzo; at dalawang bersiyon ng All My Life, na theme song naman sa pelikula nila ni KC Concepcion na Forever and A Day.
Kabilang sa mga orihinal na komposisyon ang Hindi Kita Iiwan (OST ng Koreanovela My Fair Lady); Baliw na Pag-ibig (OST ng Koreanovela Marry Me, Mary); Panaginip ko’y Ikaw; Magpakailanman; Your Love, duet niya kasama si Marie Digby; Pushing me Away, na komposisyon mismo ni Sam; at ang Be Mine, na likha naman ni Richard Poon.
Nagsimula siya recording artist sa self-titled album niya na Sam Milby na agad nag-Platinum.
Show nina aga, Edu, at Cesar hindi na tuloy!
Sarado na ang usapan. Sa GMA 7 uli pipirma ng kontrata si Cesar Montano. Inaayos na lang ang ilang detalye bago mangyari ang pirmahan ng panibagong kontrata.
Ayon sa isang source, parang type nung una ni Cesar na i-try ang offer ng TV5 pero nagbago ang isip nito. Nag-usap sila ng manager niyang si Shirley Pizarro at nag-reconcile sila na maging Kapuso pa rin.
So hindi tuloy ang plano sanang noontime show for Cesar, Aga Muhlach, and Edu Manzano. Magandang combination.
Nasaan si Edu?
Naiinip na ang iba sa paglabas ni Edu sa TV5. Matagal-tagal nang mapabalitang Kapatid na siya pero hanggang ngayon hindi pa rin siya napapanood at wala pang balita kung kailan eere ang show niya sa kanyang bagong network.
Huling show pa ni Edu ang Family Feud sa GMA 7. Hindi nasunod ang kontrata niya sa Kapuso Network kaya nag-request ang kampo ng TV host ng cancellation ng kanyang kontrata.
Nasasayang ang husay ni Edu sa pagho-host. Ano pa kayang hinihintay ng TV5?