Susan Roces masama nga ang loob kay Lovi
PIK : Wala nang mahihiling pa si Mike Tan sa ngayon dahilkuntento na siya sa magandang takbo ng kanyang career at masaya na rin siya sa kanyang love life.
Tahimik lang itong guwapong aktor pero matagal na pala ang relasyon nito sa kanyang non-showbiz girlfriend.
Sobrang suportado nggirlfriend ang kanyang career at hindi isyu sa kanila ang mga ginagawa niya bilang aktor, lalo na ang mga daring scenes nito sa Kung Aagawin Mo ang Langit kasama ang leading ladies niyang sina Michelle Madrigal at Carla Abellana.
Hindi pa nila napapag-usapan ang kasal, pero sana raw ito na ang babaeng makakasama niya habang buhay.
PAK : Babading-bading lang itong si Sef Cadayona saTime of My Life pero ang dami pala nitong naging girlfriend at pawang magaganda.
Ang latest na na-link kay Sef ay si Janna Dominguez na napabalitang buntis sa current boyfriend nitong si Mickey Ablan.
Pawang mga sexy girls ang nali-link sa binata pero hindi pala siya tumitingin sa kaseksihan ng isang babae.
Mas madali siyang ma-in love kapag matalino ito. Ayaw ni Sef sa mga babaeng may ganda lang pero wala namang laman ang utak.
BOOM : Bukas na isi-celebrate ng Startalk ang kanilang 16th anniversary at ang aabangan sa selebrasyon nito ay ang mga matatapang na tanong na hindi pa nasagot ng ilang artistang involved.
Pagkatapos umamin ni Eddie Garcia na nagkaroon siya ng karanasan sa bading nung kabataan niya, may mga ilan pang aktor na tinanong kung nagkaroon din ba sila ng ganung karanasan. Abangan ang kanilang sagot.
Abangan din ang sagot ni Ogie Alcasid kung nagkaroon nga ba talaga sila ng pre-nuptial agreement ni Regine Velasquez.
Meron ding aktres na malapit kay Susan Roces na sumagot kung totoong may sama ng loob pa rin ba ito kay Lovi Poe.
Sinagot din ni Mark Herras ang tanong kung nalulong nga ba ito sa drugs.
Abangan din ang mga fearless questions na kailangang sagutin ng mga hosts na sina Lolit Solis, Joey de Leon, Ricky Lo, at Butch Francisco.
- Latest