^

PSN Showbiz

Dr. Vicki tatlong wedding gown na ang binili

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Magpapakasal na ang sikat na cosmetic surgeon na si Dr. Vicki Belo at Hayden Kho, Jr. sa 2012. Sa kanyang excitement sa pagpili ng mga wedding gowns ay nakakatatlong bili na ng wedding gown ang sikat na doktora. Nagandahan siya sa iniregalo niyang damit pangkasal kay Regine Velasquez kung kaya bumili siya ng kanya sa gumawa ng gown ni Songbird. Before she knew it, may tatlo na siyang nabili.

Aba, doktora hindi puwedeng mag-change ka ng gown sa kasal mo kaya dahan-dahan lang. Mahihirapan kang makakita ng pagbibigyan mo ng dalawang gown na hindi mo maisusuot. Sayang naman dahil for sure, ’di ’yun mura.

Jericho walang balak manapaw

Kung hindi pa siya pumunta ng US, hindi pa mari-realize ni Jericho Rosales na hindi pagdidirek ng pelikula ang dapat niyang puntiryahin kundi ang acting niya. Ito ang pinag-aralan niya sa New York Film Academy at ito ang makikita ng mga tagasubaybay niya sa mga gagawin niyang pelikula at serye. Pero sinabi ni Echo na wala siyang balak na sapawan ang mga kasamahan niya. Layunin niya ay makasabay sa kanila pagdating sa acting.

Aber, matingnan nga kung mas gumaling pa ang acting niya!

Sunshine hindi matiis ang showbiz

Hindi ako magtataka kung gustuhin man ni Sunshine Dizon na balikan ang kanyang pag-aartista. Sa trabahong ito na siya nagdalaga’t nagka-asawa. Kaya marahil ay hinahanap-hanap pa rin ito ng kanyang katawan. Sana maintindihan ng kanyang mister ang pagkagiliw niya sa dating trabaho. Pero kung hindi, huwag na lang siyang magpilit.

Meron naman siyang anak na puwede niyang pagbuhusan ng panahon. Maging maligaya na lang siya sa kasalukuyan niyang estado sa buhay. Masaya naman ang pamilya niya.

vuukle comment

ABER

DR. VICKI BELO

HAYDEN KHO

JERICHO ROSALES

NEW YORK FILM ACADEMY

NIYA

PERO

REGINE VELASQUEZ

SUNSHINE DIZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with