MANILA, Philippines - Uy, nagsalita na pala si Shaina Magdayao tungkol sa naging statement ng boyfriend niyang si John Lloyd Cruz na boring ang kanilang relasyon.
Lumaki kasi ang nasabing statement kaya maraming nagduda na baka ‘sawa’ na ang aktor sa kanya.
Ayon sa interview ng abs-cbnNEWS.com : “Talaga namang wala kaming bagong iku-kuwento sa inyo. Napaka-boring talaga,” sabi ni Shaina sa interview.
“ Wala kaming bago pero marami kaming bago sa career. Sa personal, wala talaga masyado,” diin niya.
Although hindi naman daw sila magkasama sa trabaho, maayos naman ang lahat sa kanila.
Ayun naman pala.
Finale ng biggest loser may imbitasyon sa iba pang matataba
Sino kaya sa Fab Five na sina Angela, Art, Hazel, Larry, at Raffy ang tatanghaling pinakaunang Pinoy Biggest Loser?
Malalaman natin ang kasagutan sa dambuhalang finale - Biggest Loser Wellness Fair and Grand Finale - bukas Sabado (Oktubre 8) sa Ynares Stadium and Fair Grounds sa Pasig.
Aber abangan natin kung sino sa kanila ang magbabawas ng pinakamalaking timbang sa live weigh-in na ipapalabas sa ABS-CBN, 9:30 PM.
Meron din silang pakulo.
Iniimbitahang dumalo ang mga kalalakihang may timbang na 250 pounds o higit pa, pati na ang mga kababaihang may bigat na 200 pounds o higit pa dahil ang unang 100 Bigating Pinoy na yayanig sa venue ay magkakaroon ng premium seats.
Patuloy pa rin ang pagsusulong ng programa ng tamang nutrisyon at kalusugan sa isang health talk na pangungunahan ng resident nutritionist ng show na si Nadine Tengco, at ang workout demo ng trainers na sina Chinggay Andrada at Jim Saret.
Mayroon ding palaro at libreng tugtugan ng bandang Mayonnaise, na siyang kumanta ng theme song ng programang Sabay Tayo.
Actually, nakaka-amaze din ang mga contestant dito ha. Imagine, ang laki ng timbang na nawala sa kanila. Hindi mo ini-expect na puwede pala ‘yun.
Broadcast journalist na dyowa ng miyembro ng cabinet ni P-noy nagbubuhay mag-asawa na
Nakikitang magkasamang bumababa sa isang sosyal na condo building ang isang broadcast journalist at boyfriend niyang isang government appointee.
“Ilang beses ko na silang nakita diyan (sabay turo sa condo building ng mag-dyowa) na magkasamang bagong ligo,” tsika ng isa kong friend na nakatira rin sa isa sa mga condo building sa Makati.
Kung sabagay wala namang masama sa kanilang relasyon. Ang hindi lang nga nila ginagawa ay ang aminin in public na sila na nga.
Parang nakaka-excite panoorin ang concert nina Martin Nievera at Side A Band sa Araneta Coliseum na kick off ng 30th anniversary ng Viva sa November 11, 2011 titled All For 1.
First time na magkakasama ang concert king at ang Side A.
Sa presscon kahapon, nagbigay na sila ng sample at patikim pa lang, ang bongga na.
Coincidentally, both Martin and Side A pala ay nagkaroon ng kanilang first big hits sa Vicor Music Corporation noon na ang founder din ay ang chairman at chief executive ng Viva na si Mr. Vic del Rosario.
Samantalang ang Viva naman ay nagsimula noon bilang movie company na hindi nagtagal ay nag-branched out sa music, television, artist management, videos, concerts and events etc.
Ngayon sila na lang ang concert producer na may pinakamaraming show.
Kung sabagay nag-iisip kasi sila ng mga bagong combination na kinakagat naman ng mga mahihilig sa concert.