Umaasa ngayon si Kris Aquino na magkaroon na ng desisyon ang korte hinggil sa annulment case nila ni James Yap.
“Tapos na all the hearings and everything so sana meron na para life can move forward for both James and myself,” pahayag ni Kris.
Dagdag pa niya, hindi siya nagpapahayag ng kanyang mga opinyon sa programang Kris TV tungkol sa kontrobersiyal na isyu ng Reproductive Health (RH) Bill at ang pagli-legalize ng divorce sa Pilipinas. “Kakapagbati lang namin ng Simbahan, ng pamilya namin sa RH, so, kahit na meron akong sariling opinion about that, hindi naman ako elected official. Wala namang saysay kung anuman ’yung opinion ko.
“Honestly kasi ang pagpapa-annul, it’s really a difficult process. It costs a lot of money, so nakakaawa ’yung those who don’t have enough to pay for good lawyers and to get the right psychologists. Most especially ’pag ’yung babae ang hindi stable ang trabaho and all, ang hirap ’di ba?
“Hindi ko alam. Siguro nababasa n’yo naman sa hindi ko sinasabing words kung nasaan ang opinion ko dun pero the fact is, we’re still a predominantly Catholic nation eh. ’Yun ang problema.
“Kailangang respetuhin din natin. Kung gusto natin ng diborsiyo, dapat hindi tayo naging Katoliko. So, ang hirap ilagay kung ano ang sa pananaw mong gusto mong mangyari talaga while still respecting the stand of the Church,” mahabang paglilinaw ng Queen of All Media.
Gerald nagpanggap na autistic sa HK
Sa Lunes ay magsisimula na sa primetime bida ng Kapamilya Network ang teleseryeng Budoy na pinagbibidahan ni Gerald Anderson.
Kakaiba ang role ng aktor sa nasabing serye dahil isang mentally challenged person ang kanyang karakter dito. Matinding paghahanda ang ginawa ni Gerald para sa nasabing role. “Nagpunta kami sa isang school for special children sa Montalban. Habang nagka-klase sila, nag-o-observe ako sa loob ng classroom. ’Tapos ’yung iba kinakausap ko, pati nanay nila, at kahit ’yung mga yaya nila.
“Marami rin akong pinanood na movies. Pinaka-gusto ko ’yung I Am Sam, What’s Eating Gilbert Grape? at Rain Man. Sa local films, pinanood ko ’yung kay Tonton (Gutierrez), Saan Nagtatago ang Pag-ibig? at saka kay Aga (Muhlach), Nag-iisang Bituin,” kuwento ni Gerald.
Napakalaking challenge para sa aktor ang lahat ng kanyang ginagawa sa bagong serye.
“Bago kami nag-taping, sinubukan kong umarte gaya ng role ko habang nasa Hong Kong, tiningnan ko kung believable. Okay naman kasi pinagtitinginan ako ng mga tao dun.
“Minsan kapag nagda-drive ako ginagawa ko, kaya minsan kahit mama ko natatakot o ’yung iba kong kasama sa kotse,” dagdag pa ni Gerald.
Samantala, dahil sa nasaksihan ng binata sa school for special children sa Montalban, Rizal ay binabalak ni Gerald na magbigay ng special treat para sa kanila sa susunod na buwan.
“’Yung pinuntahan naming school, napakadaming students pero tatlo lang ang teachers. Kailangan nila ng tulong, kaya next month may gagawin akong basketball event, lahat sila manonood. ASAP versus Star Magic artists,” sabi ni Gerald.
Reports from JAMES C. CANTOS