Ehra ayaw makisawsaw sa problema nina Annabelle at Nadia

“Hinintay ko ito,” sabi ni Ehra Madrigal nang tanungin namin sa pagkakasama niya sa Ikaw Lang ang Mamahalin dahil ang I Heart You Pare pa ang last soap niya at puro guestings lang ang ginawa niya after that.

First afternoon drama ni Ehra ang Ikaw Lang…, dagdag ang karakter niya dahil wala sa original cast ang role ng psychiatrist ni Tanya Garcia na magkakagusto sa mister nitong si Gardo Versoza. Hindi pa siya nagti-taping, pero excited nang magtrabaho uli at wish ni Ehra na hindi agad mawala ang karakter niya para hanggang Christmas ay may trabaho siya.

Pinag-react pala namin ang seksing aktres sa isyu ngayon ng manager niyang si Annabelle Rama at Nadia Montenegro pero ayaw nitong mag-comment.

“Wala akong puwedeng sabihin. Ang hirap maki­singit. Labas kaming mga talent ni Tita Annabelle dun. May respect ako sa manager ko at kay Nadia,” sabi ni Ehra.

Yasmien hindi lalayas sa Kapuso

Nabalita noon na lilipat sa TV5 si Yasmien Kurdi dahil nagtatampo sa GMA 7 at hindi nabibigyan ng project. Pero itinanggi ito ni Lolit Solis dahil may kontrata pa ang aktres sa network at kaya walang project dahil mas priority ni Yasmien ang pag-aaral ng nursing at malapit na ngang makatapos.

Tama ang talent manager-columnist na hindi lilipat sa ibang network si Yasmien at mukhang may time itong mag-showbiz ngayon. Maggi-guest si Yasmien sa epic serye ni Marian Rivera (Amaya) at kahapon ang first ta­ping day niya.

Sabay na nag-taping ni Yasmien si Ronnie Lazaro na gaganap sa role ni Posaka, ang ama ni Dayaw (Aljur Abrenica). Muli na ring nag-taping si Diana Zubiri bilang si Kapid, ang kakambal na ahas ni Amaya.

Baklang kaibigan ni Sarah  proud sa pagiging bakla

Tiyak na matutuwa si Sarah Geronimo sa friend niyang si Jimmy Marquez dahil may solo concert na ito sa Teatrino sa Promenade, Greenhills sa Saturday, Oct. 8. Billed It’s About Time…Jimmy Marquez ang concert at guests sina Rachelle Ann Go at Mark Bautista.

Nahahati sa current hits at classic ang two-hour concert at kasama sa repertoire ang kantang Babadapbadap ni Gary Granada.

“I feel it’s for me, bagay sa akin and I’m proud to be gay. The song was suggested by Tita Baby (Gil). May medley din ako at songs ni Barbra Streisand,” sabi ni Jimmy.

Naalala ni Jimmy na noong nag-guest siya sa concert ni Sarah, kahit gaano kaganda ang introduction sa kanya, walang pumalakpak dahil hindi siya kilala. Umasa itong after It’s About Time, makilala na siya kahit paano.

Isabel pipirma ng kontrata sa Viva

Pipirma ng managerial contract bukas sa Viva Artists Agency (VAA) si Isabel Oli, ibig sabihin, nag-expire na ang kontrata niya sa GMA Artist Center (GMAAC), hindi na nag-renew at lumipat na lang ng ibang manager.

Sa contract-signing affair namin malalaman ang kabuuan nang pipirmahang kontrata ni Isabel sa VAA sa pamumuno ni Veronique del Rosario-Corpus. Dahil ang VAA na ang management company, puwede na rin bang lumabas sa ibang network si Isabel?

Anyway, hindi pa naman aalis sa GMA 7 sa ngayon si Isabel dahil kasama siya sa cast ng Daldalita na magsisimulang umere sa Oct. 17.

Show comments