Donaire naghahanap nang kakanta ng Lupang hinirang

Scene : Over-fatigue ang dahilan kaya isinugod si Nora Aunor sa ospital noong Martes.

Seen : Ang pasasalamat ni Annabelle Rama na sinulat niya sa twitter account niya : “To all my supporters thank u so much for being with me, for ur positive comments, especially to Ruffa & Raymond sa message n’yo sa akin last Sunday nagpalambot ng puso ko kaya ‘di ako naging mataray sa interview sa Showbiz Central, sa PEP thank u sa support n’yo, kay Mother Lily who’s always beside me sa lahat ng crisis na dumaan sa buhay ko, salamat talaga. Stop muna ako sa twitt dahil sumurender na ang kalaban ko. I’m busy preparing for tonight’s ESQUIRE magazine lunching. I’m wearing a @rajolaurel black gown.”

Scene : Bukas ang laban sa Singapore ng Team Azkals.

Makakalaban ng Team Azkals ang mga player ng Singapore.

Seen : Kuwelang-kuwela sa mga Pinoy ang statement ni Senator Lito Lapid na “May triplets, FOURplets...” Seryoso at hindi nagbibiro si Senator Lapid nang sabihin nito ang word na “fourplets.”

Scene : Tama ang desisyon na bigyan si Boy Abunda ng segment sa Bandila. Malaking tulong si Boy sa news program nina Julius Babao, Karen Davila, at Ces Drilon.

Seen : Naghahanap si Nonito Donaire, Jr. ng mga Filipino singer na kakanta ng Philippine National Anthem at US National Anthem sa laban ni Omar Narvaez sa October 22.

Scene : Ikaw Pa Rin ang Mahal Ko ang pama­gat ng theme song ng Sa Ngalan ng Ina na inawit ni Basil Valdez at komposisyon ni Ryan Cayabyab.

Show comments