Si Art ba ang ang tatanghaling kauna-unahang Pinoy Biggest Loser?
MANILA, Philippines - Pumasok ang bar owner na si Art Mendoza sa Biggest Loser camp na may bigat na 341 pounds at nilisan itong may bigat na lamang na 236 pounds.
Sa apat na buwang pananatili rito, naipamalas niya ang kakayahang mamuno at makisama sa iba pang Bigating Pinoys bilang lider ng dating Red Team.
Sa Fab Five, si Art lang din ang nakapagbawas ng higit pa sa 100 pounds, kaya naman maituturing niya itong isa nang napakalaking tagumpay. Ngunit sapat na ba ito para makamit niya ang titulong kauna-unahang Pinoy Biggest Loser?
Abangan kung ilang pounds pa ang mababawas ni Art sa final at live weigh-in sa Biggest Loser Pinoy Edition Wellness Fair and Grand Finale ngayong Sabado, (Oktubre 8) sa Ynares Stadium sa Pasig, kasama ang host na si Sharon Cuneta, game master na si Derek Ramsay, at ang trainers na sina Chinggay Andrada at Jim Saret. Para ma-update sa programa, mag-log on sa http://biggestloserpinoyedition.abs-cbn.com, i-like ito sa Facebook at i-follow ang @BLPinoyEdition sa Twitter.
- Latest